Pagkatapos ng araw naming yon sa park ay hindi ko alam ang mangyayari. Nang umuwi kami ay tahimik lang siya at matamlay. Wala man lang imik sa akin.
Kahit ng pag uwi ko, hindi man lang niya nireplyan ang mga chats ko. Andami kong inisip pero tungkol lahat yon sa kanya.
Bakit hindi niya ko nirereplyan? Kumain na kaya yon? Kumusta na kaya siya?
Alam kong hindi siya okay ngayon. Bumalik siguro lahat ng sugat sa nakaraan niya. Pakiramdam ko tuloy bago lang yung sakit na yon.
Ngayon alam ko na kung bakit siya ganon dati. Noong mga panahong wala pa ko sa buhay niya. Noong mga panahong sinusulyapan ko pa lang siya at mga panahong hindi niya alam na nag eexist ang kagaya ko.
Narealize kong ayoko palang makita siyang nagkakaganon. Mas okay na sakin na tinataray tarayan niya ko at sinisigaw sigawan. Kesa naman ganito.
Ininat ko sa harapan ko ang aking mga braso dahil wala lang, gusto ko lang mag inat. Dahil sa ginawa ko, nakita ko ang bracelet na binili ko na kapartner ng sa kanya. Napabangon ako sa aking pagkakahiga dito sa kwarto at naupo. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama ko habang pinagmamasdan itong bagay na nasa braso ko.
"Hay.. ano ng mangyayari?" sabi ko dito na akala mo naman ay sasagutin ako.
Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot akong magbago ang lahat. Magbago na para bang back to zero uli kami. Sa itsura niya kahapon, mukhang bumalik uli siya sa unang araw nung nagpapakilala pa lang ako.
Ayoko mang isipin pero baka nga maging ganon ang sitwasyon namin.
Ayoko mang mangyari pero gusto kong andyan pa rin ako sa tabi niya. Kailangan nasa tabi niya pa din ako.Masyadong malungkot at pangungulila ang namutawi sa mga mata niya kahapon. Hindi ko kayang makita ang ganon. Masyadong masakit tingnan. Kailangan kong maghanda para bukas. Kung ano man ang mangyari dapat handa ako.
"Maaaaa!" sigaw ko dahil tinatamad akong lumabas ng kwarto at bumaba.
"Mama koooooo!" sigaw ko ulit.Bumukas naman ang pinto ng kwarto ko at bumungad si mama.
"Ano ba yon? Laking laki mo na naatungal ka pa dyan" sabi niya sa akin na ikinatawa ko naman.
"Hahaha mama naman, itatanong ko lang kung may tinapay pa ba tayo dyan?" pa cute kong pagtatanong sa kanya dahil for sure may machine gun na kong mariri-
"Ano na naman? Tinapay na naman? Ikaw na nakakaubos ng tinapay dito sa bahay tapos ngayon magtatanong ka kung may natira pa? Ano ba yang nasa tyan mo ahas?" sabi na ehHindi ko pinansin ang pang uusisa ni mama habang nakatingin lang ako sa aking bracelet.
"Wala pong ganon ma, sorry.." ngumiti ako ng bukal sa loob dahil yon naman ang nararamdaman ko
"May gusto lang po akong pasayahin.." tumingin ako sa kanya at nakita kong bahagyang nag iba ang reaksyon niya.
Tiningnan niya muna ako ng taimtim bago sumagot "Mayroon pa don, tingnan mo na lang dahil hindi ko alam kung ano ano pa ang mga nakalagay don sa lagayan natin." huling sabi niya bago saraduhan ang pintuan ng kwarto ko at umalis na.Ilang minuto pa kong tahimik na nakatingin sa braso kong lulan ang bracelet bago nagpasyang bumaba. Pinuntahan ko ang lagayan namin ng tinapay dito sa bahay at naghanap ng maibibigay.
Marami rami pa pala to. Marami ding klase. Napaisip ako kung paano ko ba pasasayahin si bespren.
"Bahala na." yun na lang ang nasabi ko at kumuha ng mga tinapay at dinala ko ito sa kwarto ko.
Anong plano? Anong gagawin ko dito?
Hhmm..
"Ma! Aalis na po ako!" sabi ko kay mama habang pababa ng hagdan.
"Oh eto, tsaka eto." sabi niya sabay abot sakin ng apat na tasty, may palaman na itong nutella. Well, yun lang naman ang palaman dito sa bahay eh. Tapos binalutan ko para sa tanghalian.
BINABASA MO ANG
Lata at Kalawang
Teen FictionAng Tandem Series #1 (ATS#1) Minsan sa buhay natin, nahirapan na tayong mamili. Maraming pwedeng dahilan kung bakit tayo nahirapan. Isa na don, yung pag iisip palagi ng mga bagay na hindi pa nga nangyayari ay binibigyan na natin ng pinalidad. Ayokon...