"Magsi-upo kayong lahat at makinig sa akin!" sigaw ng aming presidente sa harapan.
Agad namang nagsi-upo ang mga kaklase ko at nakinig. Wala akong ganang makinig. Hay..
"July na ngayon, alam niyo namang nutrition month diba? So ibig sabihin magkakaroon ng paligsahan per section. I need representatives." umiimik ang presidente namin pero wala akong maintindihan.
Sarado ata isip ko nitong mga nakaraang araw. Ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayan.
Iba yung naging impact sakin nung binitiwan kong pangako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong maisip na dahilan.
Pero kahit ganon ayos pa naman ako. Ayos lang kami. Wala namang nag iba, ganon pa din.
"Ako at si.. si Rusty presi! Kami! Kami!" naantala ang pag iisip ko ng marinig ko ang pangalan ko na binabanggit ni Estella.
"Uuy! Naks ang lakas ng loob HAHAHA" may nagbubulungan sa tabi niya pero di ko naintindihan.
"Ano yon?" kay presi ako humarap at nagtanong. Wala akong panahon kay Estella at sa kung ano mang sinasabi niya.
"Okay, kayo daw ang tutulong sa mga representatives natin. Isa ka sa mga naka-take ng cookery last year diba? Kaya mo na yon Rus, Estella will help you." sabi niya. Ayoko na lang makipagtalo, hindi ako umimik at hinayaan sila.
Ewan. Bahala sila, taga hugas lang naman ako ng pinggan dati nung nag cookery ako last year eh.
Nag botohan pa sila ng kung ano ano about doon sa contest na sasalihan ng lahat ng section. Tuluyan na kong nawalan ng atensyon sa ganap sa aming klase at naglalakbay ang utak ko kung saan saan.
Pero sa lahat ng yon, siya lang ang hindi nawala sa isip ko sa bawat araw na nagdaan..
Dumating na ang araw ng contest. Paanigurado kalaban namin siya. Magkaiba kami ng section eh. At dahil isa ako sa mga katulong ng representatives ng aming section ay nandito ako ngayon nagluluto.
Actually, hindi ako ang nagluluto. Literal na taga tulong lang. Hanep, malay ko naman dyan diba? Kahit naman ganon ang na-take ko dati sa TLE eh wala ako masyadong natandaan bukod sa paghuhugas ko ng pinggan.
Ito, para magkakwenta naman ako ay ako ang naggagayat ng mga gulay. Hindi ako magaling pero maalam naman ako nito. Natulong din naman ako kay mama minsan sa kusina no.
Pagkatapos kong maggayat ay hinugasan ko na ang mga ito at ibinigay sa kaklase kong nagluluto.
Sa amoy pa lang pakiramdam ko ang sarap sarap nung putahe. Parang gusto ko tuloy tikman.
"A-aray!" may narinig akong daing na nagpawala ng pagkatakam ko sa mabangong amoy ng pagkain.
Si Estella.
"Bakit? Anong nangyari?" nilapitan ko siya at tiningnan ang ginagawa niya. Sinusubukan niyang buksan ang lata gamit ang kutsilyo lang.
"A-ano.. sala lang ng tukod, ahm o-okay lang ako.." mukhang kanina niya pa sinusubukang buksan ito dahil bahagya ng namumula ang kamay niyang pinangtutukod dito.
"Ako na nga." kinuha ko ito at sinubukan ang ginagawa niya.
"Bakit ba kasi wala tayong can opener? Wala man lang nag abalang magdala?" Itinutok ko ang dulo ng kutsilyo sa may bandang gilid nito at inambahan ng pwersa sa pagtukod ang kabila kong kamay.Akala ko ay maibabaon ko na ang dulo ng kutsilyo sa gilid ng lata para mabuksan ito ngunit hindi. Dumulas ang kutsilyo sa kamay ko na nagdulot ng sugat sa kamay ko.
"Aaargh! Shit, ang hirap pala nito." hindi ko pinansin ang natamo ko at sinubukan uli. Sa pangalawang pagkakataon ay naibaon ko na ito at pinagpatuloy ang ginagawa ko hanggang sa mabuksan ko ito ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Lata at Kalawang
Roman pour AdolescentsAng Tandem Series #1 (ATS#1) Minsan sa buhay natin, nahirapan na tayong mamili. Maraming pwedeng dahilan kung bakit tayo nahirapan. Isa na don, yung pag iisip palagi ng mga bagay na hindi pa nga nangyayari ay binibigyan na natin ng pinalidad. Ayokon...