Chapter 20: Sorry

2 1 0
                                    

Rusty

"Sa wakas! Tapos na ang exams, magdiwang!" sigaw ng kaklase kong si Mark habang nagsasasayaw pa sa gitna ng aming classroom.

Napatingin naman kaming lahat sa kanya at natawa dahil talagang todo pa ang paggiling niya doon. May pataas taas pa siya ng kamay at iwinawagayway ito.

Bigla namang dumating si Ma'am Alday, ang aming adviser. Nakita niya naman agad ang tuwang tuwa kong kaklase, bigla niyang inilagay ang hintuturo niya sa kanyang bibig.

Para bang sinasabi niyang 'huwag kayong maingay na nandito ako, hayaan natin siya.'

Lahat kami ay napatigil sa aming pwesto at dahan dahang nagsibalikan sa mga upuan namin.

Pigil ang tawa naming lahat dahil hindi pa rin napapansin ni Mark si ma'am dahil sa likudang parte ng classroom namin siya nakaharap.

Samantalang ang adviser namin ay nakatingin lang din sa kanya at naghihintay na humarap ito sa unahan.

Nagsimula niyang iikot sa kaliwa ang nakataas niyang kamay na para bang macho dancer at gumiling pagkatapos ay sa kanan naman. Bigla niyang hinawi ang buhok niya na para bang ang gwapo gwapo niya pagkatapos ay lumingon sa likudan niya-ang pinupwestuhan ni ma'am.

Nanlaki ang mga mata niya pagkatapos ay napuno na ng halakhakan ang aming room. Bigla siyang naupo sa tabi kong bakante dahil sa iba nakaupo si Francis. Yun kasi dapat ang katabi ko sa subject na to.

"Putcha tol bat di mo naman ako sinabihan andyan na pala si ma'am, nakakahiya!" mahinang bulong niya.
"Sabi ni ma'am wag daw naming sabihin sayo eh." natatawa kong sabi.

"Oh at dahil tapos na ang intermission number ni Mark," dahan dahan ng humupa ang tawa namin pati na din ni maam "alam kong alam niyo na ang sunod na ganap dahil simula na ng Disyembre"

"Magchecheck na ng papel!"
"Christmas party na yehey!"
"Partyyy!"
"Pasko naaa!"

Iba't ibang sagot ng aking mga kaklase. Pero mukhang natawa siya sa isinagot ng isa kong kaklase.

"Yong pagchecheck ng papel ay hayaan niyo na sa aming mga guro." may tumaas naman ang kamay sa isa sa mga kaklase ko.
"Edi magtataas na lang po kami ng kamay para sa item anal-" biglang tinakpan ng katabi niya ang bibig niya.
"Tumigil ka na nga Elaiza, masasapak na kita dyan eh" bulong niya dito pagkatapos ay humarap kay ma'am "Hehe ma'am wag niyo na po tong pansinin, ano po yung sinasabi niyo ulit?" natatawa man ay ipinagpatuloy na lang ng aming adviser ang sasabihin niya.

"So ayon nga, hindi na kayo magchecheck ng mga papel o magtataas ng kamay para sa item analysis. Malapit ng mag Christmas break at alam niyo namang bago maganap yon ay gaya nga ng sabi nung iba sa inyo eh Christmas party na yun ay kung gusto niyo bang magkaroon ang klase natin."

"Syempre naman po ma'am!"
"Yes na yes ma'am!"
"Yehey omg excited na ko!"

"So dahil mukhang gusto naman ng lahat ay magkakaroon tayo. Anong gusto niyo? May theme pa o ano ba? Magpaplano na tayo ngayon."

Samu't saring pagdidiwang naman ang pumuno sa classroom. Pinapunta ni ma'am si Rose Ann para mamuno sa pagpaplano dahil siya naman ang aming presidente.

Natapos ang araw na ito at napagpasyahan ng lahat na wala na lang theme ang aming party dahil baka gumastos pa ang lahat sa pagbili ng susuotin. Kahit ano daw ay pwede. Pero kailangan na naming magdecorate sa classroom.

Nag assign na kanina sa lahat. At dahil madami naman kami, ginawang grupo ang assignment ng gawain.

Mayroong budget group, sa kanila napunta ang taga singil at mga taga asikaso ng kailangang pera. Sa kanila magsasabi ang ibang grupo ng kailangang bilhin, at syempre dahil sila ang may hawak ng pera sila na ang mamimili ng mga gamit nakakailanganin.

Lata at KalawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon