Chapter 1: The Start

32 1 7
                                    

"A-ahm ano, can I.." nag aalinlangan pa din ako pero hindi ko magawang magback out na lang bigla. Andito na ko eh, napansin na niya ko!

Nangunot lang ang noo niya habang nakatingin sa akin. Iniintay niya siguro ang susunod kong sasabihin.
Nakatingin lang ako sa kanya, paniguradong bakas sa mukha ko ngayon ang pag aalala at pag aalinlangan sa sasabihin ko.

Napayuko ako at tumingin sa sahig, huminga muna ako ng malalim at ibinuga yon sabay tingin uli sa kanya.

"Can I be your bestfriend?" sa wakas!

"Ha?" sabi niya at medyo natulala saglit. Tapos bigla na lang siyang tumawa ng malakas. As in, hagalpak ganon.

"HAHAHAHA ANO BA YANG PINAGSASASABI MO MISTER?" sabi niya sa malakas na boses habang natawa pa rin. Tumataas baba pa ang kanyang balikat at hawak ng dalawang kamay niya ang tyan na akala mo'y ako na ang pinakamagaling mag joke sa buong mundo.

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi nakaimik. Pinagmamasdan ko lang siya habang pahupa na ang kanyang pagtawa. May bahid pa ng pagkakatawa sa mukha niya at bahagya niya pang pinunasan ang naluha niyang mata dahil sa kanyang ginawa.

"Diyos ko po haha why did you ask that? I don't even know you, tsaka isa pa nakakagulat akala ko naman manliligaw ka o magcoconfess ng pag-ibig mo sa akin hahaha" sabi niya at natatawa na naman.

May kakapalan din pala ang mukha ng babaeng ito ano.

"Wow ano ka maganda? Bakit naman yan ang naisip mo?" bigla kong imik at hindi ko na naisip ang nasabi ko. Natigilan ako ng nakitang natigilan din siya sa pagtawa. At tumingin sakin na nanliliit ang mata. Para bang sinasabi ng mukha nitong ang kapal kong magsalita ng ganon sa kanya.

"S-sorry.." agad kong hingi ng paumanhin. Akmang tatalikuran na niya ko at aalis na ng pigilan ko siya sa kanyang braso at hinawakan ito.
Pinaharap ko siya sa akin at nahingi ng paumanhin ang mga mata ko.

"Alam mo mister, ikaw ang nakikipag kaibigan sating dalawa tapos ganyan ka? And mind you, having a relationship like what you are asking is not that simple for me. Para sakin sobrang lalim ng ibig sabihin non kaya nga wala ako non eh kasi I can't find someone like that. At hindi mo ko kilala okay? Lalo namang hindi kita kilala! Sino ka ba??" sabi niya at kumawala sa pagkakahawak ko. Pumunta siya sa lamesa kung saan niya inilapag ang gitara niya kanina at inilagay sa lagayan nito bago umalis.

Napatulala pa ko ng ilang segundo sa nangyaring yon bago ako nahimasmasan at agad na tumakbo para habulin siya.

"H-hey.. hey!" habol ko at naabutan ko siyang pababa na ng hagdan. Nasa likod niya ang gitara niya at inilang hakbang ko ang mga hagdan na dinadaanan ko para maabutan ko siya.

Nang mahawakan ko siya sa braso ay agad ko siyang ihinarap sa akin at nagpakilala "Ako si Rusty.. ikaw?" nakangiti kong sabi.

Nangunot na naman ang noo niya sa sinabi ko "Bakit mo sinasabi sakin yan?" sabi niya at namewang pa.

"Sabi mo kasi hindi mo ko kilala? Sabi mo sino ako diba? Edi ako si Rusty, yon ang pangalan ko. Ikaw ba?" sabi ko na malawak ang ngiti sa kanya at inilahad ko pa ang aking kamay sa harap niya habang nagpapakilala.

"Tigilan mo ko baliw. Kung gusto mong magloko sa buhay wag mo na akong idamay." sabi niya at umalis na.

Ilang saglit pa akong nakatayo lang don sa may hagdan at maya maya'y mahinang napatawa sa tinuran nito bago siya layasan.

"Ampotres kahit ako hindi ko din alam kung bakit ko nagawa yon eh." bulong ko sa sarili ko at dahan dahang bumaba na ng hagdan habang kakamot kamot pa sa batok ko.

What to do??

Hindi ako mapakanali habang naglalakad palabas ng school dahil iniisip ko pa din siya. I badly want to be her best friend. I don't know how, I don't know why.

Lata at KalawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon