Cansley
Ilang linggo na lang at magaganap na ang inaabangan ng lahat na Christmas party. Pero bago yon, syempre hindi maaaring lilipas na lang bigla ang examination.
Hirap muna bago ligaya sabi nga nila.
"Okay class, konti na lang ang mga araw na gugugulin natin para makapagreview before ng exam niyo." sabi ni Ma'am Philosophy Teacher namin sa subject na philosophy.
Malamang
Well, hindi kasi ako matandain sa mga pangalan lalo na ng mga teachers. Kahit na malapit ng matapos ang taon na ito ay yung subject na tinuturo nila ang tawag ko pa rin sa kanila.
Sa pagkakaalam ko kasi magli-leave muna si Ma'am dahil malapit na siyang manganak.
"Siguro naman alam niyong lahat na pansamantala muna akong aalis." hinimas niya ang medyo may kalakihang tyan niya "At dahil don mag iiwan na lang ako sa inyo ng pointers to review, samahan ko na din ng pahapyaw na review."
Sa totoo lang isa ito sa mga pabirito kong klase dahil pilosopo akong tao.
Eme lang hahaha.
Wala lang, gusto ko lang kasing napag uusapan yung mga bagay bagay na nangyayari sa paligid na may mas malalim pang kahulugan.
Kagaya na lang nung yung sabi sa mundo daw natin ay kopya lang mula sa perfect world. Nakakatanga man at hindi ko rin alam kung anong nakakamangha doon pero manghang mangha ako sa sinabi ni ma'am tungkol doon sa upuan.
In this world, nothing is a real char. All chairs are copies of the perfect chair in the perfect world. We recognize a chair no matter what form it takes because we know the essence of a chair, the chairness of a chair.
Yan, sinaulo ko pa yan dahil ang astig ng pagkakasabi ni Ma'am. Para bang nakakatalino.
"Dito naman sa parteng ito, kilalanin niyo lang ang mga philosophers at ang naiambag nila sa philosophy." patuloy naman ni ma'am sa pagrereview samin.
Medyo lutang ako ngayon dahil bukod sa puyat ako kagabi ay nakakabagot talaga kapag last subject na. Mabuti na lang at Friday ngayon.
"Sunod na topic naman ay death." papikit na dapat ako ng mapantig ang tainga ko sa kasunod na sinabi ni Ma'am.
"Alam kong nabanggit ko naman sa inyo na 7 minutes ang last na activity ng utak kapag namatay ka na hindi ba? Sa loob ng ganoong kaikling minuto ay magfaflashback lahat sayo, mula sa pagiging sanggol mo hanggang sa present. At huling mawawala ay ang pandinig mo." rinig na rinig ko ang buong sinabi niyang yon dahil pinagtuunan ko talaga ng pansin. Hindi ko nga lang alam kung bakit.
"Huy, nagsusulat ka ba dyan o ano?" hindi ako nakaimik dahil natulala ako.
"Uy, ayos ka lang ba? Bat ka tulala?" ani ni Merilyn. Inalog naman niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya."Wala naman, bigla ko lang naisip pano pag namatay ako." direkta kong sabi.
"Hahaha baliw ka talaga, kung ano ano na namang sumasagi dyan sa isip mo. Magsulat ka na nga" sabi niya sabay hampas sakin.Tumango na lang ako at nanahimik. Hindi naman ako nagsulat. Dahil naimis ko na ang gamit ko kanina pa. Alam ko naman kasing magbibigay lang ng pointers to review o irereview na kami ng halos lahat ng mga teachers ngayon eh.
At dahil nagbibigay pa ng mga dapat na aralin si Ma'am sa harapan ay nagpalinga linga muna ako para tingnan si Kutch. Palagi na kasi kaming sabay umuwi dahil sa ang alam nga nina Kalawang at Estella ay may relasyon kami.
BINABASA MO ANG
Lata at Kalawang
Novela JuvenilAng Tandem Series #1 (ATS#1) Minsan sa buhay natin, nahirapan na tayong mamili. Maraming pwedeng dahilan kung bakit tayo nahirapan. Isa na don, yung pag iisip palagi ng mga bagay na hindi pa nga nangyayari ay binibigyan na natin ng pinalidad. Ayokon...