Chapter 11: Move

4 1 0
                                    

Nakahanda na ang gamit ko sa pagpasok.

Nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa kwarto ko. Tinitingnan ko kung ayos ba ang uniporme ko ngayon, kung wala bang gusot at kung sing puti ito ng ngipin ko.

Pinagtuunan ko din ng pansin ang buhok ko. Kanina ko pa ito sinusuklay. Nilagyan ko rin ito ng gel para tumaas naman.

"Ang gwapo mo talaga Rusty!" sabi ko habang ngingiti ngiting nakatingin sa repleksyon ko at tinuturo turo pa ito.

Pero teka, ops!

Kumuha agad ako ng gel ng makita kong may tumikwas sa buhok ko. Sinuklay ko itong muli at ng masiyahan ako sa itsura ko ay nagpabango naman ako.

Kailangang gwapo ako at mas mabango ngayong araw. Kailangan ding presentable ako.

Ultimong sapatos ko ay itim na itim ngayon, pati slacks ko ay plantsadong plantsado.

"Handa na ko." tumango ako sa sarili ko at kinuha ko na ang bag ko. Hinawakan ko na ang doorknob at pinihit ito para makalabas na ko sa kwarto ko. Pagbaba ko ay agad na napansin ako ni mama.

"Aba ang gwapo gwapo ng anak ko ngayon ah? Atsaka.." nilapitan niya ko at niyakap "ang bango bango mo pa ngayon, anong mayroon anak?" nakangiting sabi ni mama ng humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.

"Ma, may napagtanto lang ako. Salamat dun sa sulat niyo." niyakap ko uli siya bago nagpaalam at umalis na.

"Hoy teka anak di ka pa nag aagahan!"
"Okay lang ako ma, busog pa ko." kakawayan ko na sana siya paalis ng higitin niya ang kamay ko.

"Dalhin mo na ito." binigyan niya ko ng tasty na may palaman na. Hindi ko na sinuri kung anong palaman nito at nagpasalamat na lang tsaka umalis na sa bahay.

Sumisipol sipol pa ko habang nakasakay sa tricycle habang iniisip ang mga napagtanto ko kagabi.

Kagabi, nung mabasa ko ang letter para saken ni mama napaisip ako ng matindi. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, lalo na ang puso at isip ko.

Nakahiga ako ngayon at nakatulala sa kisameng nasa harap ko. Ilang beses akong napapabuntong hininga.

"Ano bang dapat kong gawin?" iniisip ko ang mga nakalagay sa sulat ni mama.

Anong ibig sabihin niya doon?

Gusto ko mang malaman ay hindi ko itinanong kay mama. Panigurado namang hindi niya didirektahing sagutin yon. Edi sana sa sulat niya na sinabi diba?

Inisip ko yung nakuha kong sagot kay Estella at sa google.

Feeling of empathy..

Feeling of a person's pain like it's yours.

Inisip ko yung mga panahong napapansin ko siyang mag isa at malungkot. Noong mga oras na gusto ko siyang samahan kahit na hindi ko siya kilala.

Na kada titingin ako sa kanya ay naiisip ko ang pag iisa niya, ang lungkot na nararamdaman niya noong mga oras na yon.

Minsan ng pumasok sa isip ko kung bakit wala siyang kaibigan? Pero ano bang kaibahan ko sa kanya?

Gayong wala rin naman akong ganon.

Inisip ko ang mga kabaliwan kong ginawa para lang mapansin niya at para makilala pa siya ng lubos.

Mula sa pagpapakilala ko sa kanya.
Sa pagbibigay ko ng mga tinapay.
Sa pagpapagaan ko ng loob niya nung panahong nalulungkot siya dahil sa ex niya.
Sa pagbili ko ng bracelet na terno kami.
Sa pagsuporta ko noong nalaban siya.
Sa pagseselos ko noong may kasama siyang iba.
Sa pagkamiss ko sa mga ngiti niya, sa lahat sa kanya noong nag away kami.

Lata at KalawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon