Chapter 12: Choices

4 1 0
                                    

"A-ano? Tama ba yang narinig ko?"
hindi ako umimik. Nakatingin pa rin ako sa mga mata niya.

Nakaabang siya sa sagot ko kaya unti unti akong tumango. Bigla siyang tumawa ng mapakla kaya napatungo ako.

"Nagbibiro ka ba? Kung biro lang to hindi to nakakatuwa! Akala mo ba nakakatuwa to ha? Bawiin mo yan!"
nawala ang tapang at tuwa sa mga mata ko. Ang kaninang kumpyansa ko at kaba ay napalitan ng pagkablangko at pagkatulala. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Hindi, hindi ako nagbibiro. Pasensya ka na." hindi ko na naalis ang paningin ko sa aking sapatos. Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko.

"Rusty naman!" nagpapadyak siya at ramdam ko ang frustrasyong nararanasan niya dahil sakin. Sinasabunutan niya ang sarili niyang buhok.

Napapapikit ako upang pigilan ang luhang namumuo sa mga mata ko.
Tinawag niya ko sa pangalan ko. Ang sakit. Alam ko na agad na hindi magiging maganda to.

"Nangako ka! Nangako ka sakin.." bigla siyang umupo sa sahig. Yung upong hindi lumapat ang pwetan tapos ay tinakluban niya ang mukha niya ng kanyang mga kamay.

Nararamdaman at naririnig ko ang puso kong nababasag sa loob ng dibdib ko. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Sumira ako sa pangako, nasira ko ang pangako ko sa kanya.

Nasaktan ko siya.

Lalo kong naramdaman ang sakit nung naisip ko yon. Alam kong mahalaga ang pangako kong yun sa kanya. Mahalaga ako sa kanya, ganon din naman siya sa akin.

Pero ano bang magagawa ko? Wala na eh, nangyari na. Nahulog na ko sa kanya.

"Patawad." tumulo ang luha ko pagkasabi ko non. Samu't saring emosyon ang nararanasan ko ngayon.

Nasasaktan. Nalulungkot. Naguguluhan. Nadudurog.

Hindi ko inakalang magkakaganito. Ang sakit pala sobra. Tinatawanan ko ng mapakla ang sarili ko sa aking isip.

"Rusty naman, okay na tayo kanina eh. Okay na tayo diba? Bakit naman ganito?" naguguluhan niyang sabi. Umiiyak na siya, ganun din ako.

"Sorry, sorry, sorry talaga" lumuhod ako sa harap niya at inalo ko siya.

Pakiramdam ko noong oras na yon, mali ang magmahal. Mali na ang mahalin ko ay siya at kalabisan na kung hihilingin ko pang mahalin niya ko pabalik.

Umiyak siya hanggang sa palakas ng palakas ang hagulgol niya. Hinawakan ko siya sa mga kamay niyang nakaharang sa mukha niya.

Ano bang ginawa ko? Ano ba to? Gusto kong magkaayos kami. Okay na kami kanina eh. Okay na, nagsisimula na uli. Tapos tangina sinira ko lang. Kasalanan ko na naman!

"Sorry, sorry. Please sorry na" tinanggal ko ang mga nakaharang na kamay niya sa kanyang mukha at nang makita ko ang kanyang mukha, lalong nag unahan ang mga luha sa mata ko sa aking nakita.

Kita ko sa mukha niyang ayaw niya. Ayaw niyang tanggapin ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya.

Hindi ko inakalang magkakaganito kami.

Umiling iling siya. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakahawak sa mukha niya.

"Please, wag. Diba sinabi ko na? Hindi ko kaya. Please. Ayokong mawala ka sakin kaya nga sabi ko wag kang mahuhulog sakin. Nangako ka, nangako ka Rusty" nag uunahan na naman ang mga luha sa mga mata niya.

"Pero hindi naman ako mawawala sayo, promise ko yan. Please tahan ka na" naghahalo na ang pawis ko at ang aking mga luha sa mukha ko. Ganon din sa kanya.

Lata at KalawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon