"Sikat ka na pare!" asar sakin ni Francis habang nakatingin sa cellphone niya.
Ipinakita niya naman sa akin kung ano ang tinitingnan niya at isa iyong picture sa fb page.
"Ano yan? Bat nandyan yan?" nakapost ang picture namin ni Lata noong Halloween party.
"Sa fb page yan nung photographer nung party. Ang astig, ang ganda ng kuha niyo." madami ng nagreact sa picture naming yon.
Ang ganda nga, hindi ko yan makakalimutan.
Nasa room na kami ngayon.
Pangatlong week na agad ng November, ang bilis.Parang kailan lang kakastart pa lang ng klase, ngayon malapit ng matapos ang taon.
Nakita ko sa bintana nang dumaan si Estella. Nung pumasok siya sa pinto ay kinuha ko ang pansin niya.
"Estella!" katamtaman lang ang boses na ginamit ko, tama lang para marinig niya pero hindi niya ako pinansin. Ni lingunin man lang ay hindi niya ginawa.
Mula ng gabing yon, naging ganon na ang pakikitungo niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero mula ng sabihin niyang siya ang may kasalanan sa hindi pagpansin sakin ni Lata ay nabahala ako.Nabahala akong baka siya naman ang mawala sa akin
Hindi ko agad inisipan ng masama ang mga sinabi niya sakin nung oras na yon. Sa totoo nga nan, una kong naisip ay baka dahil sa pagpapanggap namin bilang magkasintahan eh kaya lumayo si Lata. Baka akala niya ay ganon. Kaya nga gusto ko siyang makausap sana. Kaso mula non, siya na ang naging ilag sa akin.
Hindi ko naman siya palaging matiming-an dahil mula ng gabing yon ay naging ayos na ulit kami ni Lata.
"Kalawang!" bati niya sa bintana. Katabi niya si Kutch.
"Uy" tanging sagot ko.
Niyaya niya ko palabas ng aming room."Sama ka samin?" tanong niya ng makalabas ako.
"Saan?"
"Alam mo na, sa dati nating tambayan." nag aalangan akong sumama dahil ayoko namang iwanan si Estella. Hindi ako mapalagay dahil hindi kami okay.
"Eh kasi.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita uli.
"Sama mo si Estella." lumingon ako sa tinitingnan niya at nakita kong si Estella yon.Hindi ko alam kung naramdaman niya bang nakatingin kami sa kanya o narinig niya lang ang pangalan niyang binanggit ni Lata. Lumingon kasi siya.
Pagkalingon niya sa amin ay niyakag siya ni Cansley na lumapit sa amin sa labas.Oo hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Lata na peke lang ang relasyon namin ni Estella. Hindi ko pa pinapaalam. O baka hindi ko na nga ipaalam. Hindi ko alam, bahala na.
Nakikipag usap siya sa mga kaibigan niya sa room at mukhang nagpaalam na lalabas saglit.
"Uy Cansley, anong meron?" diretso lang ang tingin niya kay Lata at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Sama ka samin, pupunta doon sa vacant room. Kakain lang at tatambay." akmang tatanggi na dapat si Estella ng yakapin ni Cansley ang isa niyang braso.
"Sige na, please?" nag puppy eyes pa siya upang kumbinsihin ang isa na nakatingin sa kanya.Mukha namang hindi na alam ni Estella ang gagawin at nahihiya siya kaya sumabat na ko.
"Ah haha ano baka kasi may ginagawa sila nung kaibigan nila?" sabi ko dahil hindi ko alam ang idadahilan ko.
Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil sa sinabi ko tungkol sa kanya.
"Ayaw mo ba kong kasama Rusty?" pangungwestyon niya sakin.Agad naman akong sumagot "H-hindi! Hindi naman sa ganon ano lang kasi.."
"Uh-oh, nangangamoy LQ" bulong ni Kutch kay Cansley.
"Hmp! Ayaw naman akong isama eh, dapat di niyo na lang ako niyakag." bigla niyang ipinagkrus ang mga braso niya sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Lata at Kalawang
Novela JuvenilAng Tandem Series #1 (ATS#1) Minsan sa buhay natin, nahirapan na tayong mamili. Maraming pwedeng dahilan kung bakit tayo nahirapan. Isa na don, yung pag iisip palagi ng mga bagay na hindi pa nga nangyayari ay binibigyan na natin ng pinalidad. Ayokon...