Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko nitong mga nagdaang araw. Parang nagiging clingy na ko masyado sa kanya. Kagaya na lang ngayon, andito kami sa park. Wala daw siyang magawa sa kanila eh. Edi sinamahan ko.
"Hhmm.. may tanong ako sayo latang maingay" panimula ko. Trip ko talaga siyang tawaging ganon kahit napakahaba.
"Ano yon kalawang?" napangiti ako sa tawag niya sakin. Kahit hindi yon maganda para sakin, maganda naman yon sa pakiramdam kapag naririnig ko.
"Hindi ka ba naiilang na nakaakbay ako sayo ngayon?" tiningnan ko siya para makita ko ang reaksyon niya.
"Hhmm.. hindi naman. Bakit? May dapat ba kong ikailang?" balik tanong niya sa akin.
"Wala naman, naisip ko lang. Kasi hindi mo naman ako boyfriend pero nagiging ganito ako sayo. Okay lang ba yon sayo?" tiningala niya ako at ngumiti bago iyakap sa tagiliran ko paikot sa bewang ko ang mga braso niya.
"Eh ito? Okay lang din ba sayo to? Hahaha" nakatingin lang ako sa kanya at tumango na lang habang nasupilpil ang munting ngiti sa labi ko.
Inaya ko siya umupo kaya naman naghanap kami ng mauupuan. Hindi ko siya ipinunta sa pinuwestuhan namin nung umiyak siya. Ayokong maalala niya yon.
Pero mukhang iba ang iniisip niya. Nang ililihis ko siya sa pwestong yon ay hinigit niya ko pabalik doon. Hindi na ko nakipagtalo at hinayaan ko na siya.
"Bakit dito? Magiging okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya ng may pag aalala.
"Ya, okay lang ako. Gusto kong palitan ang memory ko dito ng masaya. Ayoko ng maging malungkot." sabi niya sa akin.
Nakaupo na kami dito at hindi ko alam ang gagawin namin. Siguro magpapahinga na muna.
"Masaya ka ba sakin?" kinakabahan man ay tinanong ko na rin. Hindi ko alam kung para saan ang tanong na yon at kung bakit ko naitanong. Pakiramdam ko lang ay gustong masagot iyon ng puso ko.
"Oo naman.." biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin sa gawi niya "bestfriend kita diba?" dugsong niya at hindi tumingin sakin habang nilalaro laro ang dahon na hawak niya. Hindi ko alam kung san niya nakuha yong dahon.
Tipid akong ngumiti. Tila hindi nakuntento ang puso ko sa sagot niya. Parang may kulang. Parang may kirot. Pero hinayaan ko na. Hindi ko na lang muna inintindi. Lilipas din to.
"Ikaw ba? Masaya ka ba sakin?" tumingin siya bigla sakin at napatigil saglit ang paghinga ko. Ngumiti ako pero ramdam kong hindi yon umabot sa mga mata ko, hindi ko alam kung bakit "Oo naman, sayo pa ba magiging hindi?" tiningnan niya muna ako ng saglit sa mata bago nagpasyang ngumiti pabalik.
Hindi ko alam kung bakit ba ganito ang naging takbo ng usapan namin. Alam ko namang ako ang nagsimula ng usapan pero parang may iba. Hindi ko lang alam kung ano yon.
"Oo nga pala, malapit ng mag August diba? Ano plano mo sa intramurals? For sure may mga palaro." tanong niya sakin. Inaasahan niya sigurong sasali ako sa mga palaro.
"Hindi ko alam. Hindi naman ako mahilig sa sports eh. Ikaw ba?" sabi ko sa kanya.
"Depende. Pero baka hindi ako sumali, parang gusto kong manood na lang." magulo niyang sabi. Ewan ko ba dito, depende daw tapos biglang manonood na lang.
"Tamo ikaw, magulo ka din eh. Sabi mo depende? Bakit biglang nag iba?" curious kong tanong. Inikot ikot niya ang kamay niya sa dulo ng kanyang buhok.
"Kung maglalaro ka manonood ako at susuporta. Kaso sa sinabi mo mukhang malabo. Kung hindi magbabago ang desisyon mo edi lalaro ako." kibit balikat niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Lata at Kalawang
Teen FictionAng Tandem Series #1 (ATS#1) Minsan sa buhay natin, nahirapan na tayong mamili. Maraming pwedeng dahilan kung bakit tayo nahirapan. Isa na don, yung pag iisip palagi ng mga bagay na hindi pa nga nangyayari ay binibigyan na natin ng pinalidad. Ayokon...