Chapter 8: Apart

5 1 0
                                    

Mula ng mangyari yung sagutan namin yon, hindi na kami kagaya ng dati. Halos hindi na nga kami nagkausap. Parang naging back to zero ang lahat.

Hindi ko na siya maintay sa labas ng room nila. Hindi ko siya mayaya papunta sa room na yon. Hindi ko na siya nilalapitan.

Wala akong magawa. Or it's more like, ayokong gumawa ng move. Nahihiya ako sa inasta ko. Nahihiya akong lapitan siya at nahihiya ako sa sarili ko.

I have realized that I overreacted.

Pero inaamin ko, hindi ako nagsisisi na tinanong ko yon. Walang pagsisisi sakin. Pero masakit. Nasaktan ako.

Para sakin, wala namang masama sa tinanong ko. Diba? Hay ewan. Gusto ko lang namang malaman kung mas importante nga ba siya kesa sa akin.

Tumingala ako sa kisame ng aming room. Break time na. Ayokong lumingon sa kabila dahil ayoko siyang makita.

Miss ko na siya..

Mag iisang linggo na rin kaming ganitong dalawa. Walang chats, walang lingunan at walang pansinan. Kahit sa pag uwi wala din, wala ng hintayan.

Kumusta na kaya yon? Ayos lang ba siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon?

"Hahaha talaga? Naaalala mo pa yon?" may narinig akong tawa mula sa labas kaya bigla akong napamulat at napalingon doon.

Mukhang hindi ko na kailangang tanungin ang sarili ko kung kumusta na siya o kung ayos lang ba siya. Nakikita ko namang labis pa ang kasiyahan niya sa buhay. Masaya ako para sa kanya. Hah! Kaya naman pala niya ng wala ako eh.

Agad na naggitgitan ang mga ngipin ko dahil sa inis. Natikom ko din ang kamao ko.

Sino bang niloloko ko? sabi ng isip ko.

Masaya? Hindi masaya. Ang sakit. Ang sakit sakit. Kaya niya ng wala ako. Kinakaya niya. At mukhang mas masaya pa siya. Hindi kagaya dati nung wala pa ko. Hindi siya nalungkot tulad noong iwan siya, ayos lang siyang wala ako.

May kirot akong naramdaman bigla sa may bandang dibdib ko.

Nakikita ko siya ngayon habang kasama ang lalaking yun. Ganon ba yun kaimportante kesa sakin? Mas masaya ba siyang kasama yon?

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya don sa kumag na yon. Parang mas makwento pa siya doon. Parang mas buhay siyang kausap kesa sakin.

Bigla kong naiiwas ang tingin ko ng makita kong pasulyap siya sa gawi ko.
Paglingon ko sa kabila ay agad na bumungad sa akin si Estella.
Ramdam kong may nakatingin pa rin sa bandang likod ko kaya agad kong pinasigla ang boses ko.

"Uy Estella! Ikaw pala, kumain ka na?" malawak ang ngiting peke ko sa kanya. May pangungunot man ang noo niya sa tinuran ko ay sinagot niya pa din ito.

"Oo, ikaw ba?" pakuwan ay ngumiti na rin siya atsaka tumugon sakin. Nawala ang mga tawang naririnig ko kanina pati na rin ang tingin sa likod ko kaya naman umayos na ko ng upo at humarap na sa unahan.

"Ah, sige. Umalis ka na." sabi ko sa malamig na boses. Nagitla naman siya sa bigla kong pagbabago ng mood.

"Pero-"
"Alis na. Okay lang ako, salamat."
agad kong pagtataboy sa kanya ng hindi pinapatapos ang sasabihin niya.
"Hindi ako aalis dito." kesa itaboy uli siya, hinayaan ko na. Ayoko munang umimik. Bahala siya kung anong gusto niya.

Hindi siya umiimik pero pasulyap sulyap siya sa akin.
Hindi ko siya nililingon pero nakakairita ang ginagawa niya.

"Tigilan mo nga yang pagtingin mo sakin." sabi ko habang sa unahan ang tingin. Wala pa ang guro namin, naiinip na ko.

Lata at KalawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon