Rusty
Mabilis lang lumipas ang bakasyon. Parang hindi ko man lang naramdaman na dumaan ang holy week. Isang araw lang naman kaming dumalaw sa puntod nila.
Narito ako ngayon sa shop ng tita ko. Si Tita Eve. Mayroon kasi siyang tailoring shop at isa pa magaling din siyang mag make up. Iniintay ko lamang siya dahil mukhang may pinuntahan pa siyang kliyente.
"Naku pasensya ka na late ako dumating. Nakapili ka na ba ng susuotin mo iho?" bungad agad sakin ni tita.
Napakabait niya talaga kaya nahihiya ako palagi sa kanya.
"Wala po, kayo na lang po pumili para sakin hehe di ko po alam ang bagay eh." ang totoo niyan di naman talaga ako pumili. Nahihiya kasi ako kaya siya na lang papipiliin ko.
"Hhmm kung magtatyanak ka, naka-brief ka lang tapos lalagyan kita ng prosthetics. Payag ka don?" agad akong umiling dahil hindi ko maimagine ang sarili kong naka-brief lang sa bulto ng mga tao.
Napatawa naman si tita sa agad na reaksyon ko dahil siguro naisip niya din ang suggestion niya ay di ganong ka-okay "On the second thought, mahirap pala kasi matatagalan tayo sa prosthetics eh late na nga akong dumating."
Nangalumbaba siya at nag isip muli.
"Hindi ka naman pedeng maging manananggal kasi mas bagay ang role na yon sa babae, di rin naman bagay ang kapre dahil kahit matangkad ka eh dapat malaki naman katawan mo."Pumunta siya sa mga damit na mayroon doon sa shop niya at nagtingin tingin.
May nakita siyang long sleeves at slacks. "Aha! Alam ko na pala, bat di ko agad naisip to? Gusto mo ghost groom na lang?" at dahil sa rason na ayokong maging isang tyanak, manananggal o kahit kapre pa yan ay pumayag na agad ako.
"Sige po tita yun na lang po."
"Yey!" pumapakpak pa siya.
"Pero pano po ba yon? Spooky po ang theme namin pano niyo po ako gagawing nakakatakot?" takang tanong ko."Lalagyan kita ng make-up na bungo at yung damit mo lalagyan natin ng fake na dugo at kutsilyo sa may bandang dibdib, ayos na ba yon sayo?" nang mapagtanto ang sinasabi niya ay pumayag ako.
"Ayos po yon tita, salamat po."
"Naku walang ano man. Basta kayo ni ate malakas kayo sakin eh." nagsimula na siyang magbuklat ng kung ano ano doon sa make up kit niyang dala na niya mula ng dumating siya kanina."Mabilis lang ito, pasensya ka na at na-late ako."
"Ayos lang po yun tita" pagkasabi ko non ay tumahimik na lang ako dahil medyo nakakaramdam ako ng antok.
"Galing din kasi ako sa isang nagpa-make up. Hihi kaya naisip ko tong ghost groom kasi ghost bride naman ang bet nung kanina kong customer hihi." sabi niya habang nakapikit ako at may kung anong inilalagay sa mukha ko.Mabuti na lang may nagpa-make up ng ganon sa kanya kundi baka naka-brief ako mamaya.
Ngumiti lang ako sa sinabing yon ni tita dahil wala naman akong masabi.
Ano kayang suot niya? White lady? o baka naman mananggal? Pero kahit ano namang isuot ni lata maganda pa din siya luka nga lang.
Pigil kong mangiti dahil sa naisip ko. Baka mahalata ako ni tita ay. Bigla namang pumasok sa isip ko si Estella.
Hala baka naghanap yon ng uwak na costume? Pft..
BINABASA MO ANG
Lata at Kalawang
Novela JuvenilAng Tandem Series #1 (ATS#1) Minsan sa buhay natin, nahirapan na tayong mamili. Maraming pwedeng dahilan kung bakit tayo nahirapan. Isa na don, yung pag iisip palagi ng mga bagay na hindi pa nga nangyayari ay binibigyan na natin ng pinalidad. Ayokon...