Chapter 16: Secret

2 1 0
                                    

Isa pa uling first time yey!

Estella

"Anong plano mo?"
"Baka lumuwas kami sa probinsya namin."
"Ikaw?"
"Ewan ko pa, baka sa bahay lang kami."

Naririnig ko na ang usapan ng mga kaklase ko sa gagawin nila para sa holy week.

Halos lahat ay nag iimis na ng kanilang gamit ngayon. Magsisimula na din dapat akong mag imis ng makita ko sa bintana na papunta ang aming adviser sa aming room.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko at ipinatong ito sa desk ng upuan na katabi ni Rusty.

Tiningnan niya lang ang ginawa ko pati na rin ang katabi niya.
"Uy, dun ka muna sa upuan ko" sabi ko habang nagpapacute.

"Tss, tigilan mo nga yan di bagay sayo." sabi ni Rusty.
"Bakit ba palagi mo na lang akong inaagawan ng upuan?" sagot naman ni Francis na katabi niya.
"Iih dali naaa!" inalog alog ko pa ang balikat niya.

"Class magsiupo na muna kayo may announcement ako." sabi ng teacher namin kaya bigla akong umupo sa sahig para di niya ko makita.

Natawa naman ang dalawa sa harap ko pero hindi ako tiningnan dahil nagpapanggap silang nakatingin kay maam.

Inalog alog ko ang tuhod ni Francis habang nagpapacute na may halong pagmamakaawa.

"Please?" tiningnan niya ko at nagbuntong hininga na para bang sinasabing 'ano bang magagawa ko?'

Tumango siya at napa 'yey!' naman ako ng mahina. Lumipat naman siya ng tahimik habang dala ang bag niya. Hindi na iyon pinansin ni Ma'am dahil sa unahan naman siya pumunta, baka iniisip ng adviser namin na gusto niya lang makinig haha.

Agad akong umupo sa tabi ni Rusty pagkaalis niya at binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti habang iginagalaw ko ang aking mga kilay pataas baba.

"Tss baliw." bulong naman niya ng makita ang ginawa ko.

Habang nakikinig ay isa isa ko namang inaayos ang mga gamit ko na mukhang hinalukay sa kung saan dahil sa pagmamadali ko kanina.

"Alam kong late na ito kung gaganapin natin dahil dapat ito ay last week of October dapat, before mag holy week kaso madami kasing nangyaring hindi inaasahan kaya hindi agad naapprove." panimula ng aming guro.

"After ng holy week, magkakaroon tayo ng Halloween party." nagsimula namang magbulong bulungan ang mga kaklase naming excited. At isa na ko doon.

Itinaas ko agad ang aking kamay upang magtanong.
"Ma'am may pa costume costume po ba yon?" pakiramdam ko ay nagkikislapan ang mga mata ko habang nagtatanong non.

Naiimagine ko kasing partner ang costume namin ni Rusty kyaaaaaah!

"Oh teka, teka, huminahon ka Estella. Maupo ka muna sasabihin ko naman." hindi ko namalayang napatayo na pala ako nung nagtanong ako. Napatawa naman ang mga kaklase ko kaya bigla akong napaupo dahil nahihiya ako.

Tumawa saglit ang adviser namin bago nagsalita "Oo, mayroong costume dapat. Spooky ang theme natin." nagpalakpakan naman ang iba kong kaklase habang nagsasabi ng 'yown!' tsaka 'nice!' at kung ano ano pa.

"Sshh class, mamaya na kayo mag plano. Mayroon kayong isang linggo para dyan kaya please be quiet muna." suway niya.

"Mayroon itong ticket, P120 ang isa. Para ito sa pagkain niyo at magkakaprize ang may pinakamagandang outfit sa gabing yon." nanlaki naman ang mata ko.

Hala gabiiii?

"Omg ma'am totoo ba ang narinig ko? Gabi po?" bigla kong tanong.

"Oo, sa tingin kasi namin hindi maganda kapag umaga ito ganapin. Tutal dito lamang naman sa school gaganapin ay mababantayan namin kayong lahat." tumango tango ako at bahagyang tinago ang excitement ko.

Lata at KalawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon