Chapter 15: Pretending

4 1 0
                                    

Hindi ko alam kung may nakaabang ba dito pero yey ito ang first POV niya haha

Cansley

Tinapik tapik ko sa lamesa ang ballpeng hawak ko habang nakalagay naman sa baba ko ang isang kamay ko na nakatukod ang braso sa lamesa.

"Hey, ano na?" hinawakan niya ko sa balikat ko kaya nakuha niya ang atensyon ko.

Isinara ko ang notebook ko bago niya pa makita ang laman nito.

Umupo si Kutch sa tabi ko at naglagay ng milk tea sa lamesa.
"Salamat." kinuha ko ito ng hindi siya nililingon sabay tusok ng straw dito sumipsip.

"Wow salamat lang? Para sabihin ko sayo baon ko para bukas yang iniinom mo." iiling iling niyang sabi.
"Utang yan ha? Wala ng libre sa ngayon." pagpipilit niya pa.

"Mayaman ka naman, parang ito lang ipagdadamot pa sakin eh."

"Mayaman mayaman ka dyan! Tss magulang ko mayaman hindi ako. Kung ako ang mayaman wala ako sa public school ano!" pagrereklamo ko pa.

Heto na naman tayo..

"Tsk, so nagsisisi ka bang nakilala mo ko? Hhmm kagaya ka na din ba niya? Lilipat ka na din ba? Iiwan mo na din ako?" tinaasan ko siya ng kilay at tinarayan ng mukha.
"Tss, hindi no. Para kang sira dyan."
iniwasan naman niya ako ng tingin.
"Basta utang yan ha? Nagtitipid ako eh." nakanguso niyang sabi.
"Whatever."

Pareho kaming natahimik at parehong walang masabi. Tinatapik tapik ko naman ngayon ang ballpen ko sa notebook ko. Samantalang siya naman ay tulala lang kung saan.

"So," naramdaman kong tumingin siya sa gawi ko "ano ng plano mo?"
Hindi ako nakaimik sa tanong niya.

Ano nga bang plano ko?

"Tama ba yung ginawa ko Kutch?" sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay tinanong ko din siya pabalik.
"Hindi ko alam," nagkibit balikat siya "walang nakakaalam."

"Pero tama ang magdesisyon ka na. Ewan ko ha pero para sakin siguro ang maaaring mali o tama ang desisyon mo pero ang importante nagdesisyon ka na. Kesa naman pareho kayong masaktan kasi parehong nag aantayan." pagpapaliwanag niya.

"Pero hindi pa ba kami nasasaktan pareho ngayon?"
"Mukha bang nasasaktan siya kanina?" balik tanong niya agad sakin.

Biglang pumasok sa isip ko ang senaryo namin kanina bago ko ipakilala si Kutch bilang boyfriend ko.

"Uy Kutch tulungan mo ko ha?" desperado na kong magkaayos kami ni Kalawang. Ayoko ng ganito kami.

"Ano ba kasing plano mo ha? Basta mo na lang akong hilahin dyan eh." nabuburyo na sakin si Kutch pero ayos lang yan pakeme lang naman yan.

"Magpanggap kang boyfriend ko ha? Para hindi na niya ipilit sakin yung feelings niya tapos magkaayos na kami." pinanlakihan niya ko ng mata dahil sa biglaang sinabi ko.

"Yuck excuse me hindi ikaw ang type ko ano!" umarte pa siya ng nandidiri. Bwiset na to.

"Tss dali na! Ha? Dali naaa!"
"Sigurado ka bang magkakaayos kayo kung magpapakilala ka ng boyfriend don? Pano kung hindi?" napaisip ako sa sinabi niya.

Pero ano pa bang dapat kong gawin? May iba pa bang solusyon? Ito lang naman ang naiisip kong paraan para hindi niya ipilit ang nararamdaman niya para sakin. Ayoko naman kasing masira ang pangako niya at pagkakaibigan namin eh.

Lata at KalawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon