Chapter 13: Surprise

5 1 0
                                    

Kakatapos lang ng subject namin bago magrecess at pumunta ako sa tapat ng room nila.

Tumingin siya sakin at tipid ko naman siyang nginitian at niyakag na lumabas ng room nila.

"Bakit?" nagtataka siya.
"May sasabihin lang ako" tumingin muna siya sakin bago nagsalita
"Ano yun?" may pag aalinlangan sa kanyang boses. Pakiramdam ko medyo naiilang siya

"Wag kang mag alala, gusto ko lang sabihin na bigyan mo ko ng oras." nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Oras para saan?"
"Para pag isipan kung ano bang dapat kong gawin paraan maging okay na uli tayo." sinuklay ko ang buhok ko pataas.

Hindi siya umimik pero tumungo siya. Huminga muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang sinasabi ko sa kanya.

"Hayaan mo, hindi ako mawawala sayo. Hindi rin naman ako papayag na mawawala ka sakin. Bigyan mo lang ako ng konting oras para makapag isip isip at para maging okay. Pangako, babalik ako sayo kahit na maging kulang pa ko." ginulo ko ang buhok niya bago nagpaalam na aalis na ko at babalik sa room ko.

Magdadalawang linggo na ang nakakalipas mula ng umamin ako sa kanya samantalang mag iisang linggo na mula ng sabihin ko sa kanyang pag iisipan ko muna kung pano ba namin maaayos to.

Umaga na uli at may klase na naman.
Nakatanga lang ako sa labas ng bintana at nakatingin sa pwesto niya kahit wala naman siya doon. Mukhang may groupings sila ngayon.

Hanggang ngayon pinag iisipan ko pa rin ang sinabi ni mama. Ewan ko ba, ang hirap.

Mula nung araw na yon, naramdaman kong medyo ilang sakin si Lata. Minsan tuloy pumapasok sa isip ko na nakakapangsisi na umamin pa ko. Na sana sinikreto ko na lang ang lahat. Na sana nagtiis na lang ako.

Pero wala na naman akong magagawa eh,nangyari na kaya papanindigan ko na. Wala namang maidudulot na maganda ang pagsisisi.

Kung magsisisi ba ko, maaayos tong lahat? Diba hindi naman?

"Hay." napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko.

"Oh okay ka lang ba?" hindi ko siya inimikan at hinayaan ko lang uli.
"Mukhang malalim iniisip mo ah? Ang lalim din ng buntong hininga mo eh" iniyakap niya ang mga braso niya sa braso ko.

Mula ng mangulit itong si Estella sakin, palagi na siyang feeling close. Lalo na ngayon, nasanay na lang akong ganyan siya kafeeling close sa akin. Hinahayaan ko na lang dahil wala naman akong magawa sa kakulitan niya. Mabuti na lang hanggang ganan lang siya sakin.

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko eh, gusto ko na lang matapos lahat at maging okay." nilingon niya ang mukha ko pagkatapos kong magsalita.
"Hayaan mo tutulungan kita, ano bang gusto mong mangyari?" bigla niyang ihinilig ang ulo niya sa balikat ko.
"Tss una tigilan mo yang sobrang pagka fc mo sa akin okay?" sabi ko tsaka tinabig paalis sa balikat ko ang ulo niya "Pangalawa, gusto kong maging okay na kami ulit ni Lata pero hindi ko alam kung paano." bumuntong hininga uli ako.

"Hhmm, ano bang gusto mong mangyari?" napaisip ako don sa tinanong niya. Wala pa naman akong desisyon hanggang sa ngayon kaya siguro nahihirapan ako kung anong gagawin ko.

"Paano kung ang pagpipilian ko lang ay ang mag let go at ang mag stay? Anong dapat kong gawin?" medyo binigyan ko siya ng clue kung ano bang nasa isip ko.

"Kung maglelet go ka, isipin mo kung ano yung mawawala at ang magkakaroon ka kagaya ng kapag nagstay ka." naguluhan ako don sa sinasabi niya.

"Huh? Hindi ko naintindihan." tiningnan ko din siya at naabutan kong titig na titig siya sa akin sabay biglang iwas ng tingin.

Lata at KalawangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon