Ethan pov
i admit the first time i saw that nerd earlier i like her already . I like her attitude and her face is beautiful kahit tinatakpan yon ng kung ano-ano.
S'ya ang unang nerd na lumaban pabalik kay Andrew what i mean is? siya lang ang nerd na sinagot si Andrew sa maraming tao.
"ano kayang magandang gawin mamaya dun sa nerd?" tanong ni Lucas habang nakatingin sa kawalan.
"Pahirapan natin yung babaeng nerd pati yung kasama niya kanina" sagot ni Elijah habang nasa pagitan ng mga labi niya ang sigarilyo
"ngayon na ba nating araw simulan?" Nakangising tanong ni Andrew
"Oo para maganda" sagot ni Lucas.anong maganda ro'n?
Nasa roof top kami ngayon dahil nawala sa mood si Andrew pumasok kaya dinamayan na namin. I can't stop them kung anong gusto nilang gawin do'n sa nerd baka kasi isipin nila i'm betraying them.
simula ng pinanganak kami magkakasama na kami alam naman ang bawat detail sa isa't-isa katulad ng kung ilan ang mga naging ex namin , at mga nakakahiyang pangyayari sa buhay namin.
At alam nyo ba na si Andrew hindi talaga siya bully sobrang bait niya talaga nagbago lang siya ng malaman niyang pera lang ang habol nung last ex nya na si Zoey Astele.
Matagal na talagang player si Andrew pero nagbago siya ng makilala niya si Zoey; si Zoey lang ang sineryoso niyang babae.
simula ng nung nagbreak sila naging bully na si Andrew gusto niya na nahihirapan ang isang tao, gusto niyang maramdaman ng iba ang naramdaman niya nung nalaman niyang pera lang ang habol sa kanya ni Zoey.
laging seryoso si Andrew simulan ng magbreak sila ni Zoey never na siyang tumawa or ngumuti.
Nagulat kaming tatlo nila Lucas at Elijah nung nakita naming tumawa siya sa nerd kanina dahil yun ang unang tawa niya simula ng nagbreak sila ni Zoey. Weird right?
Claire pov
pagkatapos nung nangyari kanina nawala na ang pagtingin ko sa kanila haist kala ko pa naman mababait sila tsk.
"May binulong sa 'kin yung lalaki kanina" mahinang sabi ni Keith " ano yung binulong niya?" Tanong ko "Hindi mo alam kung ano ang sinimulan mo ms.nerd ayan yung sinabi niya" sagot nito
"Siguro bubullyhin ka nila? Or parehas tayong mabubully pft first time kong mabubully" saad ko "we're same"walang emosyong sagot nito
pumasok na kami sa unang klase napansin kong hindi naka focus si Keith iniisip niya kaya yung kanina?
"Ly-" naputol ako ng bigla siyang magsalita "May i go to the comfort room mam?"pagpapaalam nito siguro ihing-ihi lang siya kaya hindi siya naka focus? Oo tama hihi talino ko talaga.
blah
blah
blah
blah
Kanina pa si Lyn lumabas ah? 'di kaya tumatae siya? siguro hindi naluto ng ayos yung agahan namin kanina hayst kawawa naman si Lyn.
Keith pov
habang naglalakad ako papuntang comfort room hindi ko maiwasang isipin ang sinabi sa 'kin nung lalaki kanina.
<blag>
nauntog yata ako sa pader huhu ang sakit! "Anong ginagawa mo dito nerd shouldn't you be on your first class?" Hala nagsasalita yung pader "sorry pader ah mauna na ako bye bye" pagpapaalam ko at tumawa lang ang pader
ano kayang nakakatawa don? "Stupid!" Pagkasabi ng pader non ay tumingala ako at siya pala yung lalaki kanina kala ko pader huhu tangkad kasi e.
Sinampal niya ako at hinila ang buhok ko habang tumatawa siya. "s-stop p-please" pagmamakaawa ko pero wala yatang epekto tuloy parin siya sa ginagawa niya
May tumutulo sa bibig ko at lasang dugo." Bye nerd!" Ngiting pagpapaalam nito buti nalang nagsawa na siya.
"here take this" inabutan ako ng panyo at gamot para sa sugat nung lalaking kasama nung nangbully sa 'kin kanina "thanks" nginitian ko ito at ngumiti naman ito pabalik saka agad siyang umalis.
Pumunta akong comfort room para ayusin ang sarili ko. Bakit ba kasi niya ako binubully? Wala naman akong ginawang masama hindi ba?
"Insan! Bakit ang tagal mo naman?!"Bulyaw ni Claire nagulat ako sa kaingayan nito hindi ko manlang siya napansin na pumasok sa Comfort room.
Claire pov
Kanina pa ako inip na inip kakaantay kay Lyn na bumalik kaya naman naisipan kong puntahan siya sa comfort room ang talino ko talaga! Naisip ko yun hehehe.
"Insan! Bakit ang tagal mo naman?!" Bulyaw ko rito at napansin kong abalang-abala ito sa pag-aayos ng sarili niya. "Lyn? Ano nangyari? Bat ka nagpapalit ng uniporme? Tapos gulo-gulo yang buhok mo?" Sunod-sunod kong tanong.
"Nadulas ako e huhuhu" sagot nito ang tanga talaga ni insan pero bakit pati buhok niya gulong-gulo? Tumambling ba siya?
"Claire tapos na ba yung first class? do you take some notes?" Tanong nito "malamang tapos na mag-iisang oras kana kayang wala at oo nag take ako ng mga notes for you" mahabang tugon ko at nginitian lang ako nito at binaling muli ang kanyang mga tingin sa ginagawa niya.
pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay pumunta na kami sa cafeteria para kumain kasi mukang gutom na gutom na si insan. Ano ba kasing nangyari? Ayaw naman niya sabihin yung totoo
Andrew pov
nakita kong inabutan ni Ethan ng panyo at gamot para sa sugat yung nerd kanina tsk may gusto ba siya do'n?.
Tapos kanina habang pinapahirapan ko yung nerd kanina nakita ko si Lucas na nakatingin na parang naawa do'n sa nerd baka pati siya na may gusto na rin do'n sa nerd?
Ngayon ay nasa cafeteria kami dahil tumunog na ang bell na ang ibig sabihin ay break time. Nakita ko si Ms. Nerd kasama yung isa pang babae na nerd din.
" tara na mga pre order na tayo ng pag-kain natin" payaya ni Elijah tumango nalang kami bilang tugon.
Malayo ang tingin ni Ethan at sinundan naman 'yon ng aking mga mata nakatingin pala 'to kay ms. Nerd na parang na-iinlove at nakuha pa nitong ngumiti.
3rd person pov
Naka-order na ng pagkain sila Keith at hawak hawak na nila ang kanilang tray habang tumitingin kung saan bakanteng lamesa na pwede nilang kainan.
Habang nililibot ng mga mata ni Keith ay nagtama ang kanilang mga mata nina Ethan at Keith.Habang si Andrew ay nakaramdam naman ng inis.
____________________________________________
Don't forget to vote vampires
BINABASA MO ANG
The Mafia's Revenge
Romance#1 mafia series Don't Choose temporary happiness 1st #bluemaiden