CHAPTER 15

7 0 0
                                    

NAGISING akong parang pinupokpok ang ulo ko sa sobrang sakit. Bumangon ako at pilit na umupo ng maayos. Napatingin ako sa paligid ko ng pakiramdam ko ay wala ako sa kwarto ko. Napahawak ako ulit sa ulo ko ng biglang sumakit iyon.

Lumingon lingon ako ulit sa paligid at nakahinga ng maluwag ng marealize ko kung kaninong kwarto to. I'm in Knight's room in his condo. Tumayo ako at pumuntang banyo para ayusin ang itsura ko.

Damn. I look like a mess.

Naghilamos ako at inayos ang magulo kong buhok. Napatingin naman ako sa suot ko. Kahapon pa to. Ang lagkit ng pakiramdam ko kaya naman isa isa kong hinubad ang saplot ko at saka nagshower. Nang matapos ako saka ko lang narealize ang katangahan ko. Wala nga pala akong damit or kahit anong underwear.

Oh tanga lang self?

Nagpalingon lingon naman ako at nakita ko ang towel na nakasabit sa towel rack. Mabilis kong pinunasan ang basa at ipinulupot sa katawan ko. Lumabas ako ng banyo at napatili ng bigla ko na lang nakita si Knight na nakatayo sa may pintuan.

"Jesus Christ!" I shriek and glared at Knight.

He was just looking at me for a seconds then look away. Nakita ko namang parang namumula ang tenga nya kaya lumapit ako na nagpaatras sa kanya.

"Problema mo?" Kunot kong tanong.

"G-get dress." nakaiwas pa rin ang tingin nya ng sumagot sya.

"Wala akong damit dito sa condo mo. Pahiram ako ng tshirt at boxer mo." I said as I turned my back on him.

Naglakad ako papasok sa closet nya at kumuha dun ng susuotin. I heard him heave a deep sigh na sa sobrang lalim ay akala mo hindi huminga ng ilang oras.

"Sa kusina lang ako. Magbihis kana." Sabi nya at dali daling lumabas.

Problema ng lalaking yun?

Dahil nagugutom na rin ako mabilis akong nagbihis at nag ayos ng sarili saka lumabas ng kwarto nya at dumiretso na kusina. Nadatnan ko sya doong tulala at mukhang malalim ang iniisip.

"Mind telling me your problem?" sabi ko at umupo sa stool at humarap sa lamesa para kumuha ng pagkain.

"Nah. It's not that important." Sagot nya at umupo na din sa harapan ko.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"No work?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang sya tahimik na kumain. Ganun lang kami ng ilang minuto ng basagin nya ang katahimikan.

"How are you feeling?" Tanong nya.

"I'm fine. Just a little hangover." Sagot ko at napahawak sa noo ko.

"Next time kasi huwag iinom kung hindi kaya." Natatawa nyang sabi sakin.

I glared at him.

"I've been doing this for so many times at nakakauwi pa naman ako ng buhay." I scoffed at him.

"Oh yeah? Kaya pala halos hindi kana makalakad kagabi?" Asar nya sakin.

"Kaya ko namang umuwi mag isa." Singhal ko sa kanya.

"How? You'll gonna drive drunk? You just nagged at me for driving while I'm drunk tapos ikaw may planong gawin yun?"

Is he nagging me?

"Whatever." Kainis. Pakiramdam ko pinapagalitan nya ako.

"Tinatamad akong pumasok sa trabaho. I'll stay here muna ha." Sabi ko at tumayo na para pumunta sa living room.

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon