CHAPTER 18

9 0 0
                                    

NAGDADABOG akong pumunta ng kusina. Napatingin naman silang lahat sakin.

"Anong nangyare sayo?" Tanong sakin ni Sulli.

Hindi ko ito pinansin at umupo sa nag iisang bakanteng upuan sa tabi ni Knight. Tiningnan ko sya ng masama ng makita kong may sinusupil syang ngiti sa mga labi.

"LQ agad kayo?" Natatawang tanong ni Karra samin.

Sinamaan ko rin ng tingin si Karra. Tumawa naman sya at tinaas ang kamay na parang sumusuko.

"Chill. Nagiging leon kana naman." Natatawang sabi nito.

Hindi ko na ito pinansin. Sumandok lang ako ng kanin at ng ulam.

"Ano bang ginawa mo dyan Montereal at nagkakaganyan yan?" Rinig kong tanong ni Art.

"Sige. Sumagot ka tutusukin kita ng tinidor na to." Banta ko kay Knight ng sana ay magsasalita sya.

Tumingin lang sya sakin at kininditan ako. Akmang susuntukin ko ulit sya ng pigilan nya ang kamao ko at lumapit sakin at bumulong.

"Punch me and I might eat you later." Bulong nya bago sya bumalik ulit sa pagkain nya.

Pakiramdam ko ay mas mapula ang mukha ko kumpara sa kanina.

"Okay ka lang Ee? Bakit namumula ka?" tanong ni Nari.

Lalo yata akong namula ng pinansin iyon ni Nari. Nag iinit ang pisngi ko.

"Hala! Lalong namula!" Puna ni Irish at humalakhak pa.

"Stop it!" Inis kong saway sa kanila kaso lalo lang naman silang tumawa.

Naiinis kong sinipa sa ilalim ng lamesa si Knight na kumakain lang habang pangiti ngiti.

Tumingin sya sakin. I glared at him but he just wink at me.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagdadabog na bumalik sa kwarto. Nahiga lang ako dun at tumitig sa ceiling. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kawalan nang may naalala ako. Pakiramdam ko ay namula na naman ang mukha ko ng maalala ang sinabi ng lalaking iyon sa akin. Nakakainis! Kung hindi siguro berde ang utak ko katulad ni Riri edi sana iba ang naiisip ko.

Argh! Bwiset na lalaki yun.

"What are you doing here?" Napatingin ako kay Sulli na kakapasok lang ng kwarto.

Kumunot ang noo ko.

"Is it because this is the room you assigned me and I'll sleep here?" May pagkasarcastic kong sagot sa kanya.

Umiling sya.

"Nope. Nabago na ang assigned room mo." Sabi nya habang hinihila ako patayo.

"Bakit di ako nainform?" Naiinis kong tanong.

"You'll be sleeping to the next room with Knight." Nakangisi nyang sabi sakin.

Napanganga at nanlaki naman bigla ang mata ko sa sinabi nya.

"No way!" Sigaw ko dito.

"Yes way." Nakangisi pa rin nyang sabi at tuluyan na nga nya akong nahila palabas ng kwarto at sapilitang ipinasok sa kabilang kwarto.

Itinulak pa ako ng gaga sa kama at dali daling lumabas. I was about to follow her when someone speak behind me. Unti unti akong lumingon sa nagsalita.

I froze seeing Knight topless at nakapulupot lang ang towel sa kalahati ng katawan nya. Kakalabas nya lang galing sa cr and he's dripping wet. Kakaligo lang. Basa pa ang buhok nya at tumutulo pa ilang tubig sa buhok nito pababa sa dibdib nya. Napalunok ako. Well toned muscle and his six packs abs and then my eyes drops down to his--

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon