CHAPTER 34

12 0 0
                                    


Chapter 34

Sa gabing iyon ay dumating din sina Mama Shan at Papa Archie together with my Mom and Dad. They got all worried but sighed in relief when I told them that they're both fine. Shin is still unconcious. Medyo nabawasan ang takot at kaba ko sa kaalamang ayos na sya. Nagpapahinga na lang sya. Ngunit hindi pa rin maalis sa akin ang pag aalala.

May nakabalot na tela sa ulo nya. Maraming galos. May cast ang braso. At ang mga paa nya na syang napuruhan. Sabi nang Doctor ay may posibleng matagalan bago makalakad ulit si Shin. Iyak ako ng iyak ng marinig iyon. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ang bagay na iyon.

"M-may iba bang paraan para mas mapadali?" nanlulumong tanong ko.

Pakiramdam ko ay mabubuwal na naman ako sa pwesto ko.

"He can do the therapy, Ms. Doliente. Sya lang din ang makakatulong sa sarili nya." Sabi ng Doctor.

Umiyak lang ako ng umiyak. Anong magiging reaksyon nya kapag nagising sya? Sigurado akong hindi nya agad iyon matatanggap. Knowing him, hindi sya sanay na ganun. Ayaw nya na nakikita syang mahina.

"Hija, magpahinga ka muna. Dalawang araw kanang walang tulog." sabi sakin ni Mama.

Dalawang araw na simula ang aksidente. Hindi pa rin sya gumigising. Sabi naman ng Doctor ay ayos na sya pero bakit di pa rin sya gumigising? Nag aalala na ako.

"Iintayin ko pong magising si Shin. Gusto ko paggising nya ako ang una nyang makita, Mama. Hindi ako makakatulog sa pag aalala." Umiiling kong sabi.

"Hindi magugustuhan ni Shin ang ginagawa mo. Ayos naman na sya sabi ng Doctor." marahang sabi niya.

Umiling ako.

"Bakit di pa rin sya gumigising kung ganoon?" naiiyak kong tanong.

Mama hugged me. Hinahagod nya ang likod ko na para bang sinasabi nyang magiging okay lang ang lahat.

"Thank you for taking care of my son and grandson, hija. Alam kong mahalaga sila para sayo pero huwag mong itali ang sarili mo sa kanila. May buhay kang sayo, anak." Mama Shan's voice broke.

"Hindi, Mama. Hindi ko naman po itinatali ang sarili ko sa kanila. Choice ko po 'to. Mahal ko po silang dalawa. Sila ang pamilya ko."

Shin and Gunner has been my family. Sa ilang mga taong nagdaan sa kanila na umikot ang mundo ko. Sila ang naging comfort zone ko.

"You know that Shin doesn't like it. Ayaw nyang sa kanila lang umiikot ang mundo mo. You have your own world, Eerina. ." Malumanay nyang sinabi.

"They are my world now, Ma. It only revolves them now." 

Katulad nang gusto nya ay umuwi muna ako sa hotel namin sa Batangas para makapagpahinga. Diretso lang akong pumasok sa loob ng opisina. Napatigil lang ako ng makita ko si Knight na nakahiga sa isa sa mga mahabang sofa sa loob ng opisina.

He look so peaceful while sleeping. Lumapit ako at hinubad ang long coat ko. Ipinatong ko yun sa kanya. Umupo ako sa gilid nya. Marahan kong hinaplos ang pisngi nya. Knight is really undeniably handsome. No wonder every women going crazy over him.

Nagulat ako ng bigla syang gumalaw at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha nya. 

Dati naiisip ko na umuwi ng Pilipinas at isugal ko na lang ulit ang puso ko at hayaan ang sarili kong mahalin ulit sya. I always wanted him beside me. I always dreamt of marrying him. I always dreamt of him to be the father of my kids. I always wanted to be with him for the rest of my life. But I always get scared too. Scared that he might hurt me again. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko kung paano ako nasaktan ng paulit ulit dahil sa kanya. Nagsugal ng puso pero nasaktan din sa bandang huli. Kahit mahal na mahal ko sya noon ay hindi ko magawang sumugal muli.

"I'm sorry, Knight. I'm sorry dahil ikaw naman ang nasasaktan ngayon. Hindi ko intensyon na saktan ka. Things were just different now." bulong ko.

Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Lumipat ako sa swivel chair ko. Sumandal ako sa backrest nito.

Kinuha ko ang phone ko at pinagmasdan ang screen nito. Shin and Gunner's face is on my screen. Smiling brightly. Like how they always make my days bright.

Naalala ko ang sinabi ko kay Mama kanina sakin. And I realized it more na iba na ang tinitibok ng puso ko. After the accident, mas narealized ko na hindi ko kayang mawala sa akin ang mag-ama ko. I would die in pain if that happens. I can't lose my Gunner and I can't lose Shin. I just can't. Iyon na siguro ang tatapos sa akin. Kung noon kinaya ko, ngayon ay sigurado akong hindi. 

Nagising ako ng maramdaman kong parang lumulutang ako. I opened my eyes to see Knight carrying me. Seryosong seryoso sya habang naglalakad.

Binuksan nya ang pinto ng isa sa mga suite gamit ang isang kamay pagkatapos ay pumasok at isinara ang pinto. Dahan-dahan nya akong ibinaba sa kama.

"K-Knight?" I whispered.

Natigilan sya saglit bago inilagay hanggang dibdib ko ang comforter.

"Rest." simpleng sabi nya.

Paalis na sya ng hilahin ko ang laylayan ng damit nya. Tumigil sya at lumingon sakin gamit ang mga matang pagod.

"You should rest, too." mahinang sabi ko.

Saglit syang tumitig sakin bago tumango. He smiled a bit. Hinawakan nya ang kamay ko at ibinaba iyon sa gilid ko bago ako binitawan. 

"Sa opisina na ako matutulog." He said, not looking at me.

He can't even look at me. 

"I'm so sorry Knight."

Nakita ko syang natigilan dahil sa sinabi ko. Lumingon sya sakin. He look so pained. His tired eyes bored in me.

"I'm sorry it has to be this way." I whispered again.

He nodded. Lumakad sya pabalik sakin. Umupo sya sa tabi ko. He caressed my hair.

"I understand. You deserved to be happy." Sabi nya habang nakatingin ng diretso.

Hindi na sya nagsalita. Diretso lang syang nakatingin sa unahan.

Tumulo na ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Nasasaktan ako sa katahimikan. Nasasaktan akong nasasaktan sya dahil sakin.

"Do you really love him?" mahinang tanong nya.

"I do. Very much, Knight. Very much that I would die in pain kapag nawala sya sa akin."

Tumango-tango sya. 

My heart breaks again for him. 

My bestfriend. 

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon