CHAPTER 12

15 0 0
                                    

NAKATINGIN ako ng masama kay Knight na nasa harapan ko ngayon. Nakakagigil talaga ang lalaking to. He was asking me--no, he's been pestering me to help him surprise Freya for their 3rd year anniversary.

Yes. It's been 3 years. And they're still together. Going strong. If you're asking me about what I feel for him. It's still there. But I can endure. I could still remember the last time we talked about that.

"Can we talk?" I asked Knight. He looked at me and nodded. Huminga ako ng malalim.

"I'm sorry for causing trouble. Let's...let's start over." The moment I said that, my tears fell. Andito pa rin pala yung sakit. Namanhid lang. Shin told me to talk to him. To give us closure. For me to be okay. For me to finally let go of the pain that I'm feeling. I need to do this. For myself. Tanggap ko na.. na kahit kelan ay hinding hindi sya mahuhulog sakin. Na hinding hindi nya mamahalin bilang isang babae. He maybe love me but as a friend. Siguro yung mga tinging binibigay nya sakin dati ay bilang isang kaibigan lang o kapatid. Ako lang yung nagbigay ng malisya.

"Let's start over, slowly. It'll take time but I want us to go back what we are before I confessed to you." Nakangiti kong sabi sa kanya habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Nag iwas sya ng tingin. Hindi sya umiimik. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Don't worry I'll be fine. It'll take time but I will be. Itong nararamdaman ko mawawala din to. Unti-unti." Sabi ko at ngumiti. Tumalikod na ako. Bago ako umalis narinig ko syang nagsalita na lalong naging dahilan ng pagtulo ng mga luha ko.

"Yeah. We should. Let's start over." Tumango at tuluyan na syang iniwan dun. Those words. It made me realize that he will never be mine. Ever. Because his heart belongs to her and will never be mine.

Three years. I've been enduring it for three years. Nandito pa rin yung sakit. Hindi na nga siguro to mawawala pero kelangan kong gawin to. Kaya ko namang tiisin.

"Pumayag kana Eerina. We are bestfriends right?" I let out a sigh and glare at Knight.

"Naku! Wag ako ang pestehen mo ngayon Knight. Don't use that bestfriend card on me!" Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Wag mo nang palakihin yang mata mo wala nang ilalaki yan." Asar nya sakin.

Nakakagigil talaga tong lalaking to. Simula ng magkausap kami unti unti kaming bumalik sa dati. Bumalik na naman na palagi nya akong iniirita. Kahit may nararamdaman pa ako sa kanya nangingibabaw ang pagkairita ko sa kanya. Isa syang napakalaking MANHID!

Gigil. Sakin pa talaga sya humihingi ng tulong.

Ginusto mo yan diba?

Bulong ng demonyo kong utak.

"KNIGHT MONTEREAL! LUMAYAS KA SA OPISINA KO!" Sigaw ko sa kanya.

Peste talaga ang lalaking to. Tumawa lang sya. Nag eenjoy sa pang aasar. Tumayo na sya at pumunta na sa may pintuan.

"Mamaya ulit kita kukulitin." kumindat sya sakin.

Binato ko sa kanya ang librong nahawakan ko pero nakalabas agad ang damuhong yun habang tumatawa. Napahawak ako sa puso ko. Naghuhurimintado ang puso ko dahil lang sa lintek na kindat na yun. Nasapo ko ang noo ko. Alam kong mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya sa loob ng tatlong taon na iyon. Hanga na talaga ako sa sarili ko sa galing kong magtago ng emosyon at ng nararamdaman ko para sa kanya.

Naramdaman kong may namumuo na namang luha sa mata ko. Tumingala ako para pigilan iyon.

Tatlong taon na akong ganito. Sabi ko kakalimutan ko na yung nararamdaman ko pero heto ako ngayon at lalo syang minamahal.

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon