CHAPTER 19

8 0 0
                                    

TATLONG araw lang kaming namalagi sa Bagiuo pagkatapos ay umuwi na kami. Hindi na naman daw kami kelangan sa 2 days na natitira. Nagpadala na lang kami ng mga tao namin para umattend. Medyo nakakapagod rin kasi.

"Napapagod na ako sa mga issues na to ha."

Napatingin ako kay Irish na nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone nya.

"Stop using sns nga muna. Maistress ka lang." Saway dito ni Athena habang relax na relax na nakaupo sa sofa ng opisina ko.

Nandito sila at nanggugulo sa pagtatrabaho ko. Naiinip daw sila dahil wala naman silang schedule. They're both public figure kaya hindi na bago ang mga issues. Pero mukhang malala ang issue na kinakaharap ni Irish.

"Lilipas din yan Rish." sabi dito ni Serin.

Nandito rin to dahil naiinip daw sya.

"This is not a simple issue." Malungkot na sabi ni Rish.

"We know. But you have to rest first. Huwag ka munang magbukas ng social accounts mo." paalala dito ni Riri.

"Parang bago ka naman sa mundo. Marami talagang judgemental lalo na't public figure ka. Someone like you, people would thought you're perfect. Sa paningin nila hindi kayo pwedeng magkamali." sabi ko dito.

"We're humans too. We're not perfect like what they expected us to be. We make mistakes too. Can't we have our freedom? This is my dream but I feel like I want to let go. The world I'm in is tiring." she looks up trying to stop her tears.

Bihira ko lang sya makitang ganito.

"Because of this I'm slowly losing him. I'm losing the man I love." she said and look at me.

Napaiwas ako ng tingin. I can't look at her straight in her eyes. I feel guilty. Nalulungkot ako para sa kanya. Sa kanila.

"This is your dream since we were young Rish. Do you think you can leave the world na matagal mo nang pinangarap?" Riri asked her.

Tumungo lang sya at hindi nagsalita. Hindi namin sya masisisi. Simula pa lang ay pinangarap na nya ang mundong ginagalawan nya. Walang araw na hindi nya binanggit samin ang mga pangarap nya. She worked really hard for this. She did everything para makarating sa kung nasaan man sya ngayon. She's almost on the top of her dream.

"I'm almost there. Just another step and I'll be reaching the peak but shits really happens." Natatawa nyang sabi habang pinupunasan ang ilang luha nyang pumatak.

Hinayaan lang namin syang umiyak hanggang sa tumigil sya. Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko agad to at tiningnan kung sino ang nagmessage.

From: Knight

Dinner later. I'll pick you up.
I miss u ❤😘

Napangiti naman ako kaagad. Kinilig ako dun sa papuso at pakiss emoticon nya mga ateng. Nagreply ako agad.

To: Knight

Sure. I miss you too 😘

"Baka mapunit ang labi te." Napatingin naman ako kay Riri na nakangisi sakin.

"Bakit ba? Kinikilig ako e." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hulog na hulog sya bes." Natatawang sabi ni Irish.

Tingnan mo ang isang to. Ang bilis magbago ng mood. Kanina umiiyak ngayon naman nang aasar na. Oh well, I like this better. Hindi ako sanay na malungkot sya.

"Baon na baon na te." Napangiwi naman ako sa ginamit na term ni Riri.

Kapag talaga sya ang nagsasalita ng mga ganyan iba ang datingan e. Auto berde ang utak mo.

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon