CHAPTER 5

13 1 0
                                    

"Mygosh Ee. Stop crying please. You've been crying for 5 hours straight. Hindi ka ba nauubusan ng luha?" Saway sa kanya ni Irish. 


Yes. 5 hours. Nasa bahay nya ang mga kaibigan nya. Magoovernight daw ang mga ito.

"Stop crying Ee. Kuya Eron is so worried na about you." Nag aalalang sabi sa kanya ni Athena. She just can't stop crying. Her heart is in so much pain.

"Sobrang nasasaktan kana. Isn't it about the time to stop Ee." nag aalala din ang boses ni Art.

"I can't. I love him. I know may nararamdaman din sya sakin. Kilala ko sya Art. Nakikita ko sa mga mata nya. Pinipigilan nya lang." Hikbi pa rin nyang sabi. 


Alam nya at hindi sya pwedeng magkamali. Ito ang nakikita nya sa mata ni Knight noon. Imposibleng magkagusto ito kaagad sa bagong kakilala lang nito.

"Kilala mo pa nga ba sya Ee? Pano kung mali ang nakikita mo. Pano kung ikaw na lang talaga ang nagpipilit ng sarili mo na kilala mo sya?" That was Sulli. Kilala pa nga ba nya si Knight? Pano kung tama ito? Pano kung sya na lang ang nagpipilit sa sarili nya? No. Kilala nya ito. Matagal nya itong nakasama. Pero matagal na rin simula nang iwasan sya nito? No. No. Sinabi nya dito na hindi sya mapapagod. Sinabi nya dito na mahuhulog ito sa kanya. Pero pano ang puso nya? Baka hindi na nito kayanin pa. Pero mahal nya ito. Mamahalin din sya nito. Tiwala lang.

"I love him." Yun lang sinabi nya.

"But it's too much Ee. You're giving your all to him. Magtira ka naman para sa sarili mo." sabi ni Nari na halata din na nag aalala sa kanya.

"I know. I'm sorry but please let me do this." She pleads to them. Her friends just sighed.

"Remember this Eerina, once you cried and get hurt again because of that guy let's just forget that we're friends." That's Nat. She understand her if she's mad.

"Natasha!" Nanlalaking matang saway dito ng iba nyang mga kaibigan.

"What? I'm tired seeing her crying and hurting because of that jerk! Paulit ulit syang nasasaktan dahil sa lalaking yun pero ayan sya at pinipilit pa rin ang sarili." 


"Stop it Nat. You're not helping." Saway dito ni Irish.

"No! Para matauhan sya. Tanga ka ba Eerina? Bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo sa lalaking iyon? Hindi mo ba naiintindihan na ayaw nya sayo!" Naiinis na ito sa kanya.

"Stop it Natasha!" sumigaw na si Jin. 


Lalo syang napaiyak. This is all her fault. Nag aaway sila dahil sa katangahan nya.

"I'm sorry. I'm sorry." Hingi nya ng tawad sa mga ito.

"Damn it. I'm sorry okay? I'm sorry Ee. Stop crying. Nabigla lang ako. Nasasaktan lang akong nakikita kang ganyan dahil sa jerk na yun." Niyakap na sya ni Nat habang humihikbi din ito. 


Nakiyakap na rin ang iba pa nilang kaibigan hanggang sa kumalma na silang lahat.


"Kalmado na ba kayo? I cooked some foods." 


Napatingin sila sa nagsalita. It was her Kuya Eron. Tumango silang lahat. Tumawa lang ito at tumingin sa kanya. Kitang kita nya ang pag aalala nito sa kanya. Ngumiti sya dito at nag thumbs up. Ngumiti rin ito sa kanya pero mukha pa ring nag aalala ito kaya tumayo sya at yumakap dito.

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon