CHAPTER 16

13 0 0
                                    

HALOS pumikit na ako habang nakapanghalumbaba sa opisina ko. Hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa text ni Knight. Kasalanan nya to e. Kung anu ano pinagsasabi nya kaya nagugulo na naman ang sistema ko.

"Madam ayos ka lang?" Napatingin naman ako kay Bri.

Hindi ko napansin ang pagpasok nya.

"Yeah. May kailangan ka ba?" Tanong ko habang hindi inaalis ang pagkakahalumbaba ko.

"Ah. You need to meet up with Mr. Castillo this afternoon 3pm for the investment. And also may charity event po kayong aattendan sa Bagiuo for about 1 week." Sabi nya habang nakatingin sa notebook na hawak nya.

Napakunot naman ang noo ko sa huling sinabi nya.

"1 week?" Takang tanong ko.

"Yes Madam. Our company will be the one handling it. One of our department po ang maghohost. Tsaka tayo po ang may pinakamalaking donations. Si Ms. Sulli po ang may hawak ng Charity events."

Oh. Kasama naman pala si Sulli. Tamang tama. I need a break from all of this shits. Makakapag isip isip ako.

"Alright. Thank you Bri." nakangiti kong sabi dito.

"You're welcome Madam." Tango nito at lumabas din agad.

Tiningnan ko naman ang relo ko and it's already 2 pm. Inayos ko ang itsura ko at tumayo na para pumunta sa pagkikitaan namin ni Mr. Castillo. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na agad ako.

"I'll be going Bri. Call me if there's a problem and you can go home by 4pm. Ingat later." Paalam ko.

"Yes Madam. Ingat din po." Nakangiting paalam nya.

Sumakay naman agad ako ng elevator papuntang parking lot. Pagkarating ko ay sumakay agad ako ng kotse ko nagmaneho papuntang Art Reyn Cuisine. Buti na lang at hindi traffic. Agad akong nakarating sa meeting place. Pagpasok ko pa lang ay binati na ako ng guard. Kilala na ako dito dahil madalas kami dito tsaka si Art ang may ari nito.

"Reservation Ms. Doliente?" Nakangiting tanong sakin ni Justin. One of the crew.

"Yep. It's under Mr. Trace Castillo. I have a meeting here." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"This way Madam." Iginaya nya ako papunta sa isa sa mga VIP spot nila at itinuro ang isang table kung saan may nakapwesto na dito.

Napataas naman ang kilay ko. Ang aga naman nya.

"Thank you Justin." Pasalamat ko dito. Tumango lang ito at umalis na.

Naglakad naman ako palapit dito.

"Mr. Castillo?" paninigurado ko. Agad naman syang lumingon sakin.

He looks familiar.

"Ms. Eerina Doliente." bati nya

"It's nice meeting you Mr. Castillo. You're too early." Nakangiti kong sabi dito at nakipagkamay.

Ngumiti din naman sya sakin at ipinaghugot ako ng upuan. Gentleman huh.

"Yeah. Medyo kinakabahan ako." Sabi nya at parang nahihiyang hinawakan ang batok nya.

Napataas naman ulit ang kilay ko.

"Kinakabahan?" takang tanong ko.

"Yeah. Don't you remember me?" tanong nya sakin.

Napakunot naman ang noo ko.

"You look familiar but hindi ko lang maalala kung san kita nakita." Nakangiti kong sabi dito.

Napatawa naman sya showing his cute dimples.

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon