CHAPTER 14

11 0 1
                                    

NAGMAMADALI akong pumasok sa loob ng hospital at hinanap ang room ng lalaking yun.  Humanda ka talaga sakin Knight. Nakakaubos na sya ng pasensya. Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nya agad ko itong binuksan. Nang makita ko ay agad akong lumapit. Damn it. I almost choke when I saw him. Puno ng sugat at gasgas ang braso nya at may telang nakapalibot sa ulo nito.

"Knight!" nag aalala akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

Napatingin naman sya kaagad sakin at gulat na gulat.

"H-How did you know I'm here." gulat pa rin nyang tanong.

"You shithead! How dare you! Kung hindi pa tumawag sakin si Tita Carla wala ka talagang balak sabihin sakin na nadito ka sa hospital!" Nanggigigil kong sabi sa kanya.

Kung hindi lang ganito ang itsura nito kanina ko pa syang nasuntok.

"I don't want you to get worried." Nakatungo nyang sagot sakin.

"Of course I will be worried!" Sigaw ko dito.

Naiinis ako. Bakit hindi nya man lang pinaalam sakin?

Bakit nya ipapaalam sayo? Girlfriend ka ba?

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa pumasok sa isip ko.

Damn it. I'm his bestfriend.

"I'm sorry Eerina." mahinang sabi nya sakin.

Naguilty naman ako bigla sa pagsigaw ko sa kanya kanina.

"What happened?" Tanong ko habang umuupo sa gilid ng kama nya.

"I drive drunk." natatawa nyang sagot sa tanong ko.

Bumalik na naman ang inis ko. Alam kong naglasing na naman sya dahil sa kanya. Naiinis ako kasi kahit na wala sya ganito pa rin ang epekto nya kay Knight.

"Knight please, ingatan mo naman ang sarili mo. Tatlong linggo kanang ganyan simula ng umalis sya. Pinapabayaan mo na ang sarili mo. Balak mo bang magpakamatay?"

Bakit ba ganyan sya? Hindi man lang ba nya naisip na nag aalala kami sa kanya?

"What's the sense of being alive when she's not here?" Nag iwas sya ng tingin sakin.

I stilled what he just said. Ganun ba talaga nya kamahal si Freya at wala na syang pakialam sa buhay nya? Wala ba kaming halaga? Si Freya lang ba ang mahalaga? Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Kelangan kong lumabas. Ayokong makita nya akong naaapektuhan.

"Si Freya lang naman mahalaga sayo e. Sya lang naman nakikita mo. Pano naman kaming ibang nag aalala sayo? Ako? Wala lang ba? Go on. Kill yourself. I wont stop you." Malamig kong sabi sa kanya at dali daling lumabas ng kwarto nya.

Pagkasarado ko pa lang ng pinto nag uunahan na agad pumatak ang luha ko. Alalang alala ako sa kanya tapos yun lang ang maririnig ko?

Fuck you Knight! Fuck you!

I shouldn't have come here in the first place. Nakakainis.



ILANG beses na yatang nagriring ang phone ko pero hindi ko pa rin sinasagot at wala akong balak. Naiinis pa rin ako sa kanya. Hindi naman siguro masamang uniwas muna kahit ilang araw lang. Ayoko pa syang makausap dahil baka kung anong masabi ko sa kanya. Nagpakabusy na lang ako sa mga papeles na itinambak sakin ni Bri.

"Madam, Sir Knight is on the line." Tumingin ako kay Bri nakasilip lang sa may pintuan.

"Tell him I'm busy or I'm not here. Just make a fuss. I don't wanna talk to him." inis kong sabi bago ko ulit binalik ang tingin ko sa binabasa ko.

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon