CHAPTER 21

10 0 0
                                    

GULAT na gulat akong napatingin sa kanya habang mabilis ang tibok ng puso ko.

"S-say it again." Mautal utal kong sabi sa kanya.

I wanna hear it again baka kasi mali lang ang pagkakarinig ko.

"I said I love you." Nakangiti nyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"I...I wanna hear it again." ulit ko.

Pakiramdam ko ay nag iinit ang sulok ng mata ko.

"I love you. I love you so much." He said again.

Tuluyan na ngang pumatak ang luha ko.

"H-hey. Why are you crying?" nag aalala nitong tanong.

Pinunasan ko naman agad ang luha ko at umiling.

"I'm just so happy to hear that." sabi ko at yumakap sa kanya.

Niyakap nya ako pabalik.

"I'm sorry if it takes long." bulong nya.

Tumango tango lang ako. I'm so happy to finally hear it from him. All my doubts fled away.

"Thank you for loving me." I whispered.

"No. It's thank you for loving me and patiently waiting for me." Sabi nya at hinalikan ang noo ko.

Kumalas ako sa yakap. I kissed him in the lips. It lasts for a seconds.

"I love you." Nakangiti kong sabi.

"I love you." He said softly and kissed my forehead.

Panghahawakan ko ang pagmamahal na meron sya. Alam kong hindi pa yun ganun kalalim pero gagawin ko ang lahat para lalo nya akong mahalin.

"Ohmygosh! Girl! I'm so proud of you. You made it." Tili ni Irish.

Napatingin naman ako sa paligid. Pinagtitinginan kami. Bukod sa sobrang ingay nila e may celebrity kaming kasama.

"Lower your voice nga Irish. Nagiging attention seeker ang dating natin." saway dito ni Athena.

"Whatever. I'm just so happy for our friend here. Finally girl!" Tuwang tuwa nyang sabi.

Napangiti naman ako.

They're really happy for me. Ikinwento ko kasi sa kanila ang nangyare kanina. Pagkasabi ko sa kanila sa groupchat namin na mahal na rin ako ni Knight bigla silang nagset up ng meeting daw. My oh-so-supportive friends na busy daw ay biglang nagkatime para sa lovelife ko.

"How is it? Anong pakiramdam na same na kayo ng feelings?" Curious na tanong ni Karra.

"Beyond happy." Malawak ang ngiti kong sagot sa kanya.

"You have assurance na. You still have any doubts about him leaving you?" Tanong ni Serin.

"Nung sinabi nya sakin na mahal nya ako all my doubts fled away." nakangiti ko pa ring sabi.

"You look really happy." Nakangiting puna sakin ni Sulli.

"Because I really am."

Sobrang sarap sa pakiramdam na finally yung lalaking matagal kong hinabol habol at iniyakan ay mahal na rin ako.

"We're so happy for you." sabi ni Art.

Hinawakan nya ang kamay ko pinisil yun.

"Thank you guys. You never left my side." Maluha luha kong pasasalamat sa kanila.

"That's what you called super friendship." nakangising sabi ni Nari.

"Unique ang friendship natin. Kahit palagi tayong nagmumurahan at nagkakagulo kapag may problema ang isa, matik nang problema yun ng lahat." proud pang sabi ni Zai.

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon