CHAPTER 24

9 0 0
                                    

"Eerina!" Nagulat ako ng biglang yumakap sakin si Knight na parang hinihingal pa.

"Hey. You okay?" nag aalalang tanong ko.

"Where have you been? I've been looking for you. Pinag alala mo ko." sabi nya.

Kumalas sya sa yakap at hinawakan ang mukha ko.

"I'm okay. Naglibot libot lang ako." Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sa mukha ko.

"I'm sorry. I'm so sorry babe." He said as he kissed my forehead.

"It's fine. Let's forget about it. We're here to relax right?" Nakangiti kong sabi sa kanya at hinawakan din ang mukha nya.

"Let's not talk about it, okay?" dagdag ko pa.

Tumango naman sya at niyakap ako ng mahigpit. I wish we could stay like this forever.

"It's already 5pm. Let's change. Diba gusto mong magswimming?" paalala nya sakin.

Tumango ako ng nakangiti. Agad kaming umakyat sa kwarto namin. Yes. Umakyat gamit ang hagdan. Wala namang elevator dito.

Kinuha ko ang two piece ko sa bagahe namin at dumiretsong banyo para magbihis. It's a black two piece. Pinatungan ko yun ng see through dress na hanggang ibaba lang ng hita ko. Lumabas naman ako agad and saw Knight waiting for me wearing his board short and white sando.

He looks hot.

"Done checking me out?" Nakangisi nyang tanong.

Napairap naman ako. Yabang. Napansin ko namang nakatingin din sya sakin.

"Done checking me out?" I mocked him.

"Yeah. You look hot and sexy." He said while looking at me with a smile on his face.

"I know right." I said flipping my hair.

I heard him let out a sexy laugh. Yes. Even his laugh is sexy now.

Inakbayan nya ako palabas nang kwarto at ng hotel. I could see some women here looking at him.

Cause why not? He's a hottie.

Kahit medyo madilim na ay may medyo marami pa din ang tao. May mga naglalaro pa rin ng volleyball sa seashore. May mga naghahabulan. May mga magjowa na sweet. Umupo kami sa buhanginan medyo malayo sa mga tao. Nasa likuran ko sya habang ako nakaupo sa pagitan ng hita nya. Nakahilig ako sa dibdib nya habang nakayakap sya sakin.

"I thought you're going to swim?" Tanong nya.

"Mamaya. Medyo pagod pa ako." sagot ko.

Tahimik lang kaming nakaupo hanggang magdesisyon akong tumayo at lumapit sa dagat. Hinubad ko ang see through ko at itinapon lang yun sa may buhanginan. Napatili ako ng bigla nya akong buhatin na parang sako ng bigas.

"Knight! Put me down!" Pagpupumiglas ko at hinahampas pa ang likod nya.

Tumatawa lang naman sya. Naramdaan kong medyo lumalalim na kami.

"Hey. Stop here." Saway ko dito pero hindi sya nakinig.

Natatakot ako. Shit. Hindi naman ako marunong lumangoy. Ibababa na nya sana ako pero humawak ako ng mahigpit sa leeg nya at isinabit ang dalawang binti ko sa bewang nya.

"Stop. I'm scared." Saway ko ulit.

Tumigil naman sya pero hindi pa rin ako bumibitaw.

"Don't worry hindi naman kita bibitawan." malambing nyang sabi.

Napatitig ako sa kanya. Iba ang dating sakin nun pero alam kong ang tinutukoy lang nya ay tungkol sa hindi nya ako bibitawan ngayon. Sana kahit sa pagbalik nya huwag nya rin akong bitawan.

JUST MAYBE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon