Madalas akong umuuwi ng gabing-gabi.
Dahil na rin sa trabaho ko.
Im a teacher at HM-UN.
Diring diri na ako sa itsura ko.
Ramdam na ramdam ko kasi ang malagkit na pawis at mga dumi na nakadikit saakin.As usual. Magulo kasi don.
Madalas ang mga estudyante ang nasusunod.
Mga highschool ang nag-aaral don.
Madalas pa ngang may nababalitaang namamatay dahil na rin sa mga nabubuong mga GANG's.So yun na nga.
Pumasok ako sa Cr ng Condo ko.
Yes i live alone.
Hindi ako natatakot.
Hanggang sa maranasan ko ito...Pagpasok ko sa Cr nadaanan ko ang mahabang salamin na nakadikit sa pader ng Cr ko.
Hindi ko alam kung namamalikmata ako. Pero may nakita akong babae na nakatayo malapit sa may shower.
Hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa loob ng shower.Nagsabon. Nagbanlaw. Nagshampoo.
Ng babanlawan ko na ang buhok ko dahil sa may shampoo parin ito.
Pagbukas ko ng shower parang may MALI?Ang lapot ng tubig.
At parang masangsang?
Kaya napamulat ako ng mata.
Napasigaw ako ng mapansin kong hindi tubig ang lumalabas sa shower ko!
Kundi DUGO!Napalabas ako sa shower ng hubot-hubad.
Pumunta ako sa harap ng salamin.
Tiningnan ko kung totoo bang may dugo sa katawan ko.
Pero ng tingan ko ito.
Hindi naman. Wala WALANG dugo?
Naghilamos ako ng mukha ko dahil parang nababaliw na ako.Tiningnan ko ulit ang sarili ko.
Pero nagulat ako.
Hindi na ako ang nasa salamin.
"AHHHH"
Sigaw ko.
May babae...babae puro dugo.Mas lalo akong natakot ng lumabas ang kamay nya mula sa salamin.
Habang humihingi ng tulong."Tulong...Tulong...Tulungan mo ako MAAM!"
Nagulat ako sa sinabi nya.
Maam? Estudyante ko ba sya?
Patuloy nya parin akong inaabot pero paatras ako ng paatras."S-sino ka ba?!" Sigaw ko habang patuloy parin sa pag-atras.
"Kristene...estudyante...paborito...estudyante"
Malamig nyang wika.
Natakot ako ng maalala ko kung sino sya.Sya ang favorite student ko 1 year ago.
Pinatay sya ng kaklase nyang si Robert nandoon ako nung mga sandali ng krimen.Pero wala akong nagawa.
"Kristene...im sorry...hindi ko sinasadya..." paliwanag ko.
Natakot ako ng biglang nagalit ang mukha nya...
Sumigaw sya ng napakalakas dahilan para mabasag ang salamin.
Pumunta saakin lahat ng bubog.
Naramdaman ko nalang ang tumutulong dugo sa buo kong katawan.
Unti unti akong nawalan ng malay.Nagising ako na nasa isang maputing kwarto.
Nakita ko si Aling Marie kapitbahay ko.
Sabi nya nagising daw sya ng may maranig na sigaw at ang pagbasag ng salamin.
Nang pagpasok nya daw sa bahay ay nagulat sya ng makita na duguan daw ako.
Naliligo sa sariling dugo.
Nakita nya rin ang BASAG NA SALAMIN...~AngelREDwarrior
BINABASA MO ANG
KILABOT~ horror story [Compilation's]
HorrorTAGALOG, ENGLISH, SHORT, LONG, and more. Genre: Horror