👻KWENTO👻

39 7 1
                                    

Magandang araw sa inyong lahat.
May ibabahagi akong kwento sa inyo.
Maari bang dito lang ang tuon nang inyong isipan?.
Maraming salamat.
Ang kwento na ibabahagi ko sa inyo ay tungkol sa isang BULLY at BIKTIMA nang pambubully.
May isang dalaga na nagngangalang Littha.
Isang dalaga na pinagdiskitahan ng mga kapwa niya dalaga.
Sinampal.
Sinabunutan.
Pinabugbug.
Ninakawan.
Tinakot.
Pinagchismisan.
At hinubaran sa harap ng maraming tao.
"Miss!..."
Pasensya na may tumatawag kasi sa akin.
"Teka lang!..."
Sige.
Itutuloy ko na.
Tiniis ni Littha ang lahat ng sakit,galit at kahihiyan na naramdaman niya.
Pero hindi nagtagal ay mas lumala pa ang ginawa nila sa kaniya.
Pinagahasa siya.
Nirecord ang panggagahasa sa kaniya at nilagay ito sa mga malalaswang websites.
At dahil doon.
Ang galit na naramdaman niya.
Ay napalitan nang poot.
Hindi na siya pumasok kahit kailan.
At dahil sa naramdaman niyang poot ay nawalan siya nang kontrol sa kaniyang pag-iisip.
Naging baliw si Littha.
Hanggang sa naiisip niya na-.
"Miss labas na po kayo dyan!..."
"TEKA NGA LANG DIBA?!..."
Pasensya ulit.
Tinatawag nanaman nila ako.
Itutuloy ko na.
Naiisip niya na-.
"Miss!...papasok na po kami..."
Sinira nila yung pinto.
Itinayo ako at inilagay ako sa aking kwarto.
Pinilit nila akong pahigain.
May tinusok sila sa akin na pampakalma.
"Mga walang hiya...nagtatrabaho lang naman kayo sa akin...umalis kayo dito sa bahay ko..."
Walang lakas kong sabi.
"Miss...hindi po kami nagtatrabaho para po sa inyo lang at hindi niyo din po ito bahay para paalisin po kami...mental hospital po ito miss..."
"Umalis na kayo..."
Pagmamakaawa ko sa kanila.
"Opo,aalis na po kami...good night po Miss Littha..."
Oh bakit?.
Kanina pa ako nagkukwento,hindi niyo pa ba nalaman?.
HAHAHAHAHAHAHAHA!.
Oo!.
Ako si Littha.
Ang galing ko bang umarte?.
Hm?.
HAHAHAHAHAHAHAHA!.
Sige.
Sasabihin ko na sa inyo kung ano ang ginawa ko sa mga nangbully sa akin.
Una.
Pinanood ko ang bawat kilos nila.
At ang huli.
Nang malaman ko kung saan sila nakatira ay isa-isa ko silang pinatay.
HAHAHAHAHAHA OO!.
PINATAY KO SILA!.
HAHAHAHAHAHA!.
Maalala ko lang ang ginawa ko sa kanilang pagpatay ay natutuwa na ako!.
Isang napakalaking achievement para sa akin ang pagpatay sa kanilang lahat.
At papatayin ko pa ang lahat ng mambubully sa akin.
Ang lahat ng mananakit sa akin.
Ang lahat nang taong babanggain ako.
At ang lahat ng taong nakabasa nito.
~PogingElyen

.

KILABOT~ horror story [Compilation's]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon