Merong kakaibang nangyari saamin ng lola ko.
Gising parin kami ni lola nang gabi bago mag 4 am.
Nanunood kami ng "The Walking Dead" sa Tv.
Di pa napapanaood yun ni lola.
Kaya nagpuyat kami para lang matakot si lola sa papanuorin namin.
Pagkatapos naming patayin yung tv at mga ilaw...
Pumunta na si lola sa kwarto nila at ako naman ay pumunta na sa Cr para magsipilyo.Patapos na ako sa pagsisipilyo ng may marinig akong mahihinang katok sa likod ko.
Yung pinto ng Cr namin doon ay konektado sa kwarto nila lola.
Narinig ko yung mga katok dun sa pinto na yun.
Akala ko si lola yun na gustong pumasok sa Cr.
Chinecheck siguro ni lola kung andun pa ako sa loob ng Cr.
"Po?..." sabi ko. Pero wala akong natanggap na sagot mula sakanya.Kaya lumabas na ako ng Cr at pumunta sa Living Room para pakainin si Potty (yung aso ko...).
Habang pinapakain ko si Potty bigla namang lumabas si lola sa kwarto nya at sinabing. "O anong kailangan mo? Apo?" Nagtaka ako. Nagtanong ako kung ano yung ibig nyang sabihin.
Sinabi nya na may narinig daw sya na katok mula saakin.
"Hindi po...kayo nga po yung kumatok sa Cr eh...akala ko mag-ccr kayo!..."Nagkatinginan lang kami ni lola.
Parehas pala kami ni lola na nakarinig ng tatlong mahihinang katok...
Narinig ko yung katok sa pintuan ni lola, sa likod ko...
At narinig naman ni lola yung katok sa kwarto nila na konektado sa Hallway.
Hinanap namin kung sino man yung kumatok. Para masigurado namin na walang nakapasok sa bahay.
Pero waka kaming nahanap.Hindi namin alam kung sino yun.
Narinig namin yung katok mga bandang 4:30 am...
Mayrong anak si lola na namatay na.
May nawawala rin na anak si lola mga 3 yrs. Na ang nakakaraan.
Sila kaya yung kumatok?
Ang kaisa-isa nalang na anak ni lola ay si Papa.
Natatakot kami na baka pati sya ay kunin din.
Kaya inaabangan ko ang Ringtone ng Cellphone ko...
Kung tatawag si papa o hindi~AngelReDWarrior
BINABASA MO ANG
KILABOT~ horror story [Compilation's]
HorrorTAGALOG, ENGLISH, SHORT, LONG, and more. Genre: Horror