Nasa kama ako ngayun.
Nag-iisip kung ano ang gusto kong ipost sa FB.
Double Bed ang hinihigaan ko.
Nasa taas ako natutulog kasi mas malapit sa aircon.
Ang init kasi sa baba.
Kaya mga gamit ko lang ang nilalagay ko dun.Isip ako ng isip hanggang sa may mahulog mula sa baba.
Parang may nabasag na kung ano.
Kaya tiningnan ko.
Akala ko pusa ko lang yun.
Nakita ko yung salamin na nabasag.
Pero ang pinagtataka ko.
Yun yung salamin na nakatago sa loob ng bag ko.
Pano naman yun napunta sa labas?
Kaya bumaba ako para pulutin ang mga bubog na nagkalat.
So nasa harapan na ako ng kama ko.Yumuko ako.
Para maabot ko yung bubog.
Nang aabutin ko na yun.
Bigla nalang may lumipad na bubog kung saan.
Nailagan ko yun.
Akala ko hangin lang kaya pinagkibit-balikat ko nalang.Nasa panghuling bubog na ko ng maisipan kong tingnan ang sarili ko dun.
Pinulot ko. Hinarap ko sa sarili ko at nakita ko ang maganda kong mukha.Pero nang maigilid ko ito ng konti.
May nakita akong mata sa gilid ko.
Itim lahat. Pula ang gilid nito.
Sobrang nakapangingilabot ang itsura.
"AHHH!...sino yan?!"
Sigaw ko.Unti unti akong tumalikod.
Pero wala naman ako nakita sa likod ko.
Binalik ko ang salamin sa gilid ko pero wala na yung mata.
*Sigh* napabuntong hininga ako.
Pero nang maigilid ko ito sa kabila.
Nagulat ako.
May MATA!
pulang pula. Parang gustong pumatay.Tuluyan na akong natakot kaya napabangon ako.
Dun ko lang naimulat ng tuluyan ang mata ko.
"Panaginip...panaginip lang pala ang lahat."
Napagtanto kong panagip lang yun.
Pero ng tingnan ko ang baba ng kama ko.May nakita akong MATA.
Mata ng isang bata....
~AngelREDwarrior
BINABASA MO ANG
KILABOT~ horror story [Compilation's]
HorrorTAGALOG, ENGLISH, SHORT, LONG, and more. Genre: Horror