Gitara

35 5 0
                                    

(Patugtugin ang kantang THINKING OUT LOUD para sa mas magandang experience!)
Isang araw, dumating si papa na may dalang gitara.
Ordinaryong gitara lamang iyon.
Nang tanungin ko kung saan nila nakuha iyon.
Ang sinabi nila ay..."sa may Kakilala lang ibinibigay na nila ito eh. Sayang naman kaya kinuha ko nalang."
Tiningnan ko ulit ang gitara.
"Maayos pa naman po ito pa. Bat po nila naisipang ibigay." -ako
"Ewan ko rin. Ah basta ang mahalaga may mapaglilibangan na ako."
Ng isagot ito ni papa ay hindi na ako muling nagtanong.
Maayos naman ang lahat lahat...
Hanggang sa...

●●●

Isang araw umalis sila papa at mama kasama ang kapatid ko.
Gagabihin sila ng uwi dahil pupuntahan pa nila ang lola ko.
Hilig ko kasing maging mag-isa.
At hindi ko rin hilig ang mag-biyahe dahil nahihilo ako.
Nanood lang ako ng TV.
Nag cellphone.
Nagdrawing at kung ano-ano pa.
At pagkatapos ay pinatay ko na iyon.
Dahil gagabi na at kailangan ko nang magluto.
Mga 6:00 na yun.
Dadating sila papa ng 8:00
Habang nagsasaing.
May narinig ako na nag "strum" ng gitara.
Napalingon tuloy ako sa pinanggalingan ng tunog.
Galing yun sa kwarto namin ng kapatid ko.
Doon nakatago ang gitara na dala ni papa.
"Baka si miming lang yun?" (Pusa namin)
Sabi ko sa isip ko.
Kaya inignore ko nalang yung tunog nayun.
Then maya-maya ng pipindutin ko na sana ang rice-cooker bigla nanaman tumunog yung gitara.
Doon na ko medyo nainis kasi ang ingay ng pusa namin.
Unti-unti akong lumapit sa pinto at sumilip doon.
Pero hindi ko nakita ang pusa namin.
Tinawag ko sya sa pangalan nya.
Baka nagtatago lang kasi.
Maya-maya narinig kong may nag-meow!
Pero hindi galing sa kwarto galing sa labas.
Tumakbo ako palabas at doon nakita ko ang pusa namin.
Nakulong pala sya sa labas at hindi sya makapasok.
Doon nako medyo kinilabutan.
Imposible namang daga yun dahil nasa taas yun ng kama ko.
Si miming lang ang may kakayahan na umakyat doon.
Isa pa mag-isa lang ako dito.

Pinili ko paring huminahon dahil baka na misheard ko lang yung tunog.
Pagkatapos kong magluto nanood na ako ng tv.
Maya-maya may narinig nanaman akong nag-strum ng gitara.
Pero ngayun may music na sya.
Ang kanta ay "thinking at loud" pero mahina lang sya.
Yun ang hilig tugtugin ni papa ko.
Doon na ko sobrang natakot
.
Nilakasan ko ang volume ng tv at panay ang sulyap sa pintuan ng kwarto namin.
Niyakap ko din si miming na kasalukuyang nakahiga sa hita ko.
Sobrang nanginginig na ako ng mga oras na yun.
Pinalitan ko ang palabas ng comedy para hindi masyadong nakakatakot.
Maya maya narinig ko ang tunog nang pagbukas ng pinto sa kwarto namin.
Sa sobrang kaba ko sumiksik ako sa kasuloksulukan ng pader namin.
Titig na titig ako sa pintuan na bumubukas.
Sigurado akong hindi hangin yun.
Dahil aircon ang meron sa kwarto namin.
Sa medyo nakaawang na pinto ay may nakita akong kamay!
Kamay na may hawak na gitara.
Yung gitara namin.
Takot na takot ako nung mga oras na yun.
Tinakpan ko ang bibig ko.
Kitang-kita ko ang itsura ng kamay nya.
Maputi ito at may mga kalmot.
ang kuko nya ay mahahaba at may dugo sa dulo ng daliri nya.
Nag-iistrum sya ng gitara! At yun parin ang kanta na kanyang tinutugtog.
Nananalangin ako na sana nandito na sila mama.
At mabuti nalang nga ay bumukas ang pintuan sa labas at pumasok sila mama.
Nagtaka sila kung bakit ako nakasiksik sa sulok.
Kwinento ko ang lahat sa kanila.
Hindi naman naniwala si papa saakin.
Kaya pumasok sya sa kwarto.
Ibinida nya pa na wala naman daw multo doon. Sadyan malawak lang daw ang isip ko.
Tiningnan ko ang gitara at nakatalikod yun.
Unti-unti ko yung tinuro.
Naintindihan  naman ni papa kaya ibinaligtad nya iyon.
Tapos doon nakita namin ang mga bakas ng dugo.
At alam ko ma dun mismo galing yun sa multo na nakita ko.
Doon ay naniwala na sa sinasabi ko si papa.
Noong gabing yun di ako nakatulog ng maayos.
At lagi akong nanaginip na may babae daw na mahilig magitara pero hindi ko makita ang mukha. Tapos bigla nalang mapuputol yung panaginip ko.
Ibinigay nya iyong gitara kinabukasan hindi sa mga kakilala kundi sa isang mahilig sa mga pharanormal activities.
Naiintindihan ko na ngayun ang kakilala ni papa kung bakit nya ito ibinibihay ng wala namang dahilan.
Baka naranasan rin nila ang mga naranasan ko.

~AngelREDwarrior

KILABOT~ horror story [Compilation's]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon