Spooky season na daw po eh...whahahah*Bisita*
Bibisitahin ako ng asawa ko ngayong araw.
At excited na akong makita siya.
Nagtatrabaho nga pala ako bilang construction worker.
"Tones?...asawa mo yun diba?..."
Lumingon ako kung saan yung tinuro ng katrabaho ko.
Nakita ko yung asawa ko kumakaway sa akin habang suot ang ngiti niyang nakakatunaw ng puso.
Kumaway ako pabalik at sumigaw.
"DYAN KA MUNA SA BARRACKS KO!...MAGHINTAY KA LANG SAGLIT!..."
Tumungo lang siya at nag thumbs up sa akin saka pumasok na sa barracks ko.
Binilisan ko ang kilos hanggang sa nag bell na.
Dali-dali akong tumakbo sa barracks ko.
Pero nagulat ako ng hindi ko nakita yung asawa ko sa loob.
Agad kong tinawagan yung cellphone niya.
"Hello,love?..."
"Oh,love mabuti napatawag ka,hindi ako matutuloy dyan ah pagod ako eh,naglaba kasi ako saka hindi na ako nakatawag kasi wala na akong load..."
~PogingElyen
BINABASA MO ANG
KILABOT~ horror story [Compilation's]
رعبTAGALOG, ENGLISH, SHORT, LONG, and more. Genre: Horror