PANAGINIP

40 6 0
                                    

BASED ON TRUE STORY!!!

Hi.
Naranasan niyo na bang mababangungot?.
Ako kasi Oo.
At gusto kong malaman ninyo kung paano.
Nung bata pa ako.
Magkakasama pa kami nila mama at kuya na matulog sa iisang higaan.
Nung gabing nabangungot ako ay kami lang ni kuya ang magkasama sa higaan kasi may pinuntahan si mama.
Nang maramdaman kong tulog na si kuya ay sinimulan ko na ring matulog.
Nung simula ay masaya pa ako sa aking panaginip dahil magkakasama kaming lahat sa bahay.
Pero yung mga sumunod na pangyayari ay hindi ko talaga inaasahan.
Nakaramdam ako nang pagkaihi sa aking panaginip kaya pumunta akong Cr.
Pagkapunta ko sa Cr ay nakakita ako nang isang batang nakaupo at nakangiti sa akin.
Yung mga ngiti niya.
Hindi ko makakalimutan yung ngiti niya na abot sa tenga.
Ang ibig kong sabihin ay LITERAL na abot sa tenga yung ngiti niya.
Nagsimula akong manginig at matakot.
Napagpasyahan ko na bumalik nalang sa sala kung nasaan sina mama.
Pero.
Pero pinigilan ako ng isang matandang babaeng black ang bestida at puting-puti ang buhok.
Hindi ako makagalaw.
Sinubukan kong sumigaw pero hindi ko magawa.
Nakakapagtaka din kasi hindi ako nakikita nila mama.
Unti-unting lumapit sa akin yung matanda.
Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong sinakal.
Naramdaman ko yung pagsakal niya sa akin.
Naramdaman ko na hindi lang sa panaginip niya ako sinasakal.
Naramdaman ko rin ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"Papatayin ka namin..."
Yan ang last na narinig ko bago ako magising.
Nagising ako na nanginginig at umiiyak sa takot.
Kinapa ko yung leeg ko.
Wala ako nakapa pero ang sakit ng leeg ko.
Ginising ko si kuya at sinabi ko na natatakot ako.
Umiiyak pa rin ako.
Naawa sa akin si kuya at niyakap niya ako.
"Ayos lang yan...matulog ka na..."
Yan ang sinabi ni kuya sa akin.
At dahil nga yakap ako ni kuya ay nakatulog na ako.
Pero yung nagpakaba sa akin ng sobra ay nung pagkagising ko ng umaga ay may bakat ng mga daliri sa leeg ko.

~PogingElyen

Ps. This is based on true story.

KILABOT~ horror story [Compilation's]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon