BABAE

42 6 0
                                    


BASED ON TRUE STORY!!!

*Babae*

"Anak...ibigay mo nga itong ulam kay lolo mo..."
"Mama?...gabi na po..."
Sabi ko habang nakanguso.
"Dali na...pati ito kinatatamaran mo pa..."
Pamimilit sa akin ni mama.
Wala akong nagawa kundi sumunod kay mama.
Malayo nang konti yung bahay ni lolo sa bahay namin.
Pero malayo palang ako nakita ko na nakapatay yung ilaw sa bahay ni lolo.
Natakot ako at naisipan na wag nalang tumuloy.
Pero mas takot ako kay mama kasi alam ko na papaluin nila ako pag umuwi akong dala pa itong ulam kaya wag nalang.
Dahan-dahan akong sumilip sa bintana.
Wala si lolo sa kusina.
Kaya pumunta ako sa harap nang pintuan.
Nagulat ako kasi nakabukas yung pintuan ni lolo.
Tinawag ko si lolo nang tatlong beses.
Pero walang sumasagot.
Naalala ko may pagkabingi pala si lolo.
Mabuti nalang malapit lang sa pintuan yung switch ng ilaw kaya pinindot ko ito.
Pagkatapos kong pindutin ay tumingin ako sa sofa.
Nakita ko kasi sa peripheral vision ko na andoon si lolo.
Ngumiti sa akin si lolo.
Ngingiti din sana ako pabalik pero.
May nakita akong kamay sa balikat ni lolo.
Natakot ako.
At natakot ako lalo nang makita kong unti-unting lumalabas yung ulo nang isang babae sa likod ni lolo.
Ngumiti ito sa akin.
Gusto kong tamakbo papunta sa bahay pero hindi ako makagalaw sa takot.
Mabuti nalang at nabitawan ko yung pinggan na may ulam dahilan para makagalaw ako at makatakbo.
"Mama!..."
Tawag ko kay mama habang umiiyak.
Nang makita nila akong umiiyak ay tumakbo agad si mama sa akin at nagtanong.
Sinabi ko yung nakita ko at agad namang pumunta si mama sa bahay ni lolo.
Matapos nang gabing yun ay si mama na yung nagbibigay nang pagkain para kay lolo.

~PogingElyen

Ps. This is based on true story.
Kwento po ito ng ate ko.
Maraming salamat po sa pagbabasa.

KILABOT~ horror story [Compilation's]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon