Manika

105 8 0
                                    

8 yrs. Old ako nung mga panahon na yun.
Nakatira kami ng family ko sa isang apartment.
Wala namang mga nakakatakot na nangyayari sa lugar na tinitirahan namin.
Isang araw nag-usap usap ang mga bata sa daycare tungkol sa mga movie.
May isang movie na sobra kong kinatakutan. Yung "Chuckie the creepy doll".
Simula nun ayaw na ayaw ko na sa mga manika.

Buti nalang at walang mga manika sa bahay namin. Ang iisang laruan na nandun ay yung barbie. Wala namang kaso saakin yun.
Pero nung Pasko ay nakatanggap ng regalo ang nakababata kong kapatid ng dalawang PORCELEIN DOLL

 Pero nung Pasko ay nakatanggap ng regalo ang nakababata kong kapatid ng dalawang PORCELEIN DOLL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At isang RAG DOLL

Maayos ang pakikitungo ko sa regalo na yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maayos ang pakikitungo ko sa regalo na yun. Pero hindi maalis sa loob ko ang matakot.
Nung natanggap nung kapatid ko yung mga reaglo nya. Hindi maalis ang takot ko dun sa Porcellein doll.
Iniisip ko na baka mabubay ito kapag  naglalaro kami sa kwarto nya.
Kada maglalaro naman kami ng DreamCast sa kwarto nya itinatalikod ko paharap sa mga pader ang manika nya.
Minsan nakikipaglaro ako sa kapatid ko ng Rag Doll na regalo sa kanya.
Maganda naman yung Rag Doll kaya di ako masyadong natatakot.
Pero nag-iba ang pakiramdam ko ng nilagyan ng kapatid ko ng make-up yun.
Naging mas nakakatakot ang mukha nito.

Pero dito na nangyari ang mga nakakatakot na karanasan ko na nagpaiba ng buong buhay ko.
Iniiwan ako minsan ni mama sa bahay mag-isa kada mag shoshoping sya or something.
May mga kakaibang nangyayari.
Kagaya ng magkakasugat ako sa kamay or sa tuhod kahit wala naman akong ginagawa at nanonood lang ako ng Tv.
At minsan pagkagising ko makikita ko na lang ang Pulang marka at mga kalmot sa likod ko na hindi naman masakit.
Isipin ko palang ang mga nangyayari saakin ay nagiging emosyonal ako.
Lalo na kapag nakikita ko ang mga manika natatakot ako.

Isang araw babalik na sa trabaho si mama. Sinama nya yung kapatid ko pero nagpaiwan ako kasi gusto ko maglaro ng DreamCast sa kwarto ng kapatid ko.
Nung araw na yun mag-isa lang ako.
Kumuha ako ng makakain at pumunta na sa kwarto ng kapatid ko.
Nang nagsimula na akong maglaro nakaramdam ako na parang may mali?...
Siguro dahil nakatingin saakin yung mga Porcelein Dolls?
Yung Rag Doll kasi nakaharap sa pader ng kama ng kapatid ko.

Mabilisan akong tumakbo papunta sa mga manika at mabilisan ko ding inikot yun paharap sa pader.
Tumingin ako sa pwesto nang Rag Doll nanigas ako sa takot.
Nakita ko na umiikot ito ng mabagal paharap sa akin.
Mabilisan akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
Hinintay kong makauwi si mama.
Nang makauwi si mama tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit kwinento ko ang lahat ng mga nakita at naranasan ko.
Pero hindi nya ako pinaniwalaan.

Galit na galit yung kapatid ko kasi nakita nya yung Rag Doll sa sahig matapos ko itong ibato.
Kinabukasan dinala ko ang mga manika sa basurahan.
Tinapon ko yun at di ko na ito nakita  pang muli.
Nagtanong ang kapatid ko kung nasaan yung mga manika nya pero di ako nagsalita.
Sinabi ko na baka naglakad yun mag-isa patungong empyerno.
Galit na galit naman sya sakin.

Hapon nun.
Kumakain ako ng Curls habang nanonood sa Tv.
Nang may mapansin akong pamilyar sa may tabi ng kabinet.
Nilapitan ko yun.
Natakot ako sa natuklasan ko.
Nakita ko yung Rag Doll.
Nanduon sya at ang nakakatakot pa ay nakangiti ito saakin.

The end.

~AngelREDwarrior

KILABOT~ horror story [Compilation's]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon