*Kausap*
3 o'clock na.
Pero hindi pa rin ako makatulog.
Ginawa ko naman na ang lahat.
Nag cellphone.
Nag computer.
Nagbasa nang libro.
Nagbilang ng kambing.
Nakinig ng lullaby.
Kumanta ng lullaby.
And I already pat my own butt for a 100×.
Pero hindi pa rin ako makatulog.
Hanggang sa may naisip akong gawin.
Kahit na sobrang dilim na ay tumayo pa rin ako at pumunta sa kwarto ni ate.
Humiga ako sa tabi nila.
"Ate..."
Ilang beses kong tinawag si ate pero tulog pa rin.
Makalipas ang isang minuto.
"Hm..."
Hay salamat sumagot na din.
"Ate hindi po kasi ako makatulog...pwede po bang mag-usap po tayo?...katulad po nang ginagawa po natin lagi...para po makatulog po ako..."
"Hm..."
Yan lang ang tanging nasabi sa akin ni ate.
Halatang tulog na tulog.
"Ate kilala niyo yung crush ko po diba?..."
"Hm..."
"Patay na po siya..."
"Patay na patay po siya sa akin HAHAHA..."
"Hehehe..."
Bahagyang natawa si ate sa sinabi ko.
Ako naman napahikab na.
"Ang galing naman po,nakakatulog na po ako ngayon..."
"Hm..."
"Ate...dito na po ako matutulog ah...di ko na po kayang pumunta sa kwarto ko po,baka matumba pa po ako..."
Matapos kong sabihin yun ay pumikit na ako.
"Pwede ako naman ang kumausap sa'yo?..."
"Pwede po,pero ingatan po ninyo baka yung makausap niyo hindi na po ako..."
Pa-sarcastiko kong sabi habang nakapikit.
Hinintay kong magsalita si ate pero hindi ko na talaga kaya,nakatulog na ako.
...
Paggising ko.As usual wala nanaman si ate.
Maaga kasing umaalis si ate.
Pagbaba ko naghahanda na nang pagkain si mama.
"Uy pangit...saan ka natulog?..."
Tanong ni kuya sa akin.
"Sa kwarto po ni ate..."
Sagot ko habang nagsasandok nang kanin.
"Ano?...sinong kasama mo doon?..."
Tanong naman ni mama.
"Si ate po..."
"Hindi ba nag night shift siya?..."
"Opo papa..."
Pag-uusap nila papa at kuya.
Sus tinatakot nanaman nila ako,porket may dating morgue dito sa bahay.
Oo.
May morgue dito sa bahay dati.
Pero pinatanggal namin agad-agad.
At ginawang Guest Room.
Hindi naman na kasi ganoong nakakatakot doon.
Malamig nga doon eh.
Ang presko sa pakiramdam.
"Ay sus!...wag niyo nga po akong takutin...mama oh!..."
Umupo na si mama at nagsimula na kaming kumain.
"Anak?..."
"Po ma?..."
"Saan ka ba talaga natulog?..."
"Sa kwarto po ni ate...nag-usap pa nga po kami eh..."
"Pero anak...hindi umuwi dito si ate..."
Nakangiti akong tumingin kay mama,inaasahan ko na nagbibiro lang sila.
Nawala yung ngiti ko dahil imbis na si mama ang tingnan ko ay yung babaeng nakatayo sa likod nila ang tiningnan ko.
Mahaba ang buhok.
Walang saplot at.
Nakangiti sa akin.
Nakakatakot ang ngiti niya.
Gusto kong tumakbo pero.
Hindi ako makagalaw.
"Clarrise!..."
Hindi din ako makasigaw.
Naririnig ko sina mama tinatawag ang pangalan ko.
"CLARRISE!..."
Nagising ako sa bisig ni mama.
"Clarrise anak,nabangungot ka...bakit ka ba kasi nandito sa GUEST ROOM?..."~PogingEyen
BINABASA MO ANG
KILABOT~ horror story [Compilation's]
Kinh dịTAGALOG, ENGLISH, SHORT, LONG, and more. Genre: Horror