DISCLAIMER: this is Base in a true to life horror story!!!Kwento po ito ni mama saamin.
Share ko lang yung naranasan ni mama.Nung nasa Mangatarem pa kami nakatira...
Nagtratrabaho si papa sa isang gasolinahan.
Si mama naman wala pa syang trabaho non.
Bali House Wife palang si mama non.
Mga bata parin kasi kami.
Ako ay 7 yrs old at 3 yrs old naman ang kapatid kong lalaki.....
Hapon nun.
Lagi kaming pinapatulog ni mama pag tanghali or hapon.
So nung time na yun tulog kami ng kapatid ko.
Kwento ni mama saamin.
Nasa sala daw sya nun.
Nakaupo sa Sofa namin.
Nagtatahi sya ng Damit ng kapatid ko.
Katabi lang ng sala ang kusina at ang kwarto namin...
Katabi naman ng kusina ang maliit na pasilyo patungong Cr.Habang nagtatahi may nakita si mamang batang lalaki.
May batang lalaki na patakbo sa may Cr.
Sabi ni mama kamukhang kamukha daw ng kapatid ko.
Akala ni mama gising na yung kapatid ko...
"Nong! Wag kang tumakbo dyan baka madulas ka!" Sigaw ni mama.
Pero walang sumagot.
Natakot si mama na baka nadulas nga talaga yung kapatid ko.
Kaya tinakbo nya yung pasilyo patungong cr.
Nakita nyang pagewang gewang ang pinto.
Yung tipong kakabukas lang at hindi masyadong nasara.
Binuksan nya agad yun.
"Sabi nang----"
Hindi na daw nya tuloy ang sasabihin nya ng makitang walang tao sa Cr.
Kinabahan naman si mama.
Kanina lang may nakita nya ang kapatid ko na tumatakbo.
Kaya dali daling pumunta si mama sa kwarto namin.
At naabutang tahimik na natutulog kaming dalawa.Natakot si mama sa mga pwedeng mangyari.
Kaya lagi nyang Bantay sarado ang kapatid ko.
Hindi nya hinahayaang mag-isa...Alam nya kasi ang nga kwento ng 'Double Ganger' thingy na yan.
Kaya natakot sya sa pwedeng mangyari.
Ilang beses pa daw nyang nakita yun.
Minsan kapag natutulog na daw kami.
Nakikita nya yung kapatid ko na nakatayo sa may pintuan.
Nakatingin lang saamin.
Samantalang katabi lang ni mama yung kapatid ko.
Tapos minsan nakalabas yung mga laruan ng kapatid ko kahit hindi naman nya ginalaw.
Kaya alam naming totoo yun kasi nakita ko rin naman...
Pero hindi ko na kwinento.~AngelREDwarrior
BINABASA MO ANG
KILABOT~ horror story [Compilation's]
HorreurTAGALOG, ENGLISH, SHORT, LONG, and more. Genre: Horror