CHAPTER 1
Ina Magenta
Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga nakasabit na damit sa loob ng aparador na ito sa harapan ko. Hindi ko mawari kung alin ang pipiliin at isusuot. Parang lahat ay hindi ko feel!
" Arrrghhh bakit kasi kailangan ko pang gawin to?! "
Ngayong umaga kasi ang job interview ko sa isang development company, hindi naman kalayuan dito sa bahay namin. Hindi ko naman maintidihan kay Mama at kay Baba, kumikita naman kasi kami sa restaurant at salon, bakit kailangan pang mag-trabaho sa office?!
Itong maganda kong nanay ay isang OFW sa Middle East, na kahit bata pa kaming magkakapatid ay nakipag sapalaran siya doon, dahil kung hindi, nganga kami. Maaga kasi kaming naulila sa ama. Hanggang sa kalaunan ay nagka-ibigan sila ang isang Arab national, na ngayon ay stepdad na nga namin at tinatawag na Baba.
Mabait si Baba, taliwas sa kadalasang sinasabi nila about sa mga kalahi niya. Byudo siya at hindi nagka-anak, kaya ganun na lang ang pagturing niya sa amin ng mga kapatid ko. Noong nag-aaral pa ako ay lagi kaming may gift mula sa kanila ni Mama sa tuwing may mataas kaming grades or 'mabait' kami. Ang gifts na iyon ay inipon naming magkakapatid at yun ay ginamit naming pang-bukas ng maliit na restaurant ng mag graduate ako. At so far, maganda naman ang takbo nito. Sa katunayan nga ay nakapagpa-tayo na rin kami ng maliit na Salon & Spa na malapit lang din sa resto.
Kaya nga lang isang beses na umuwi ang Mama at Baba dito sa Pinas ay napag-tripan nila akong gisahin. Pinipilit nila ako na magtrabaho sa isang company. Yun daw bang may boss, yung formal at mas lalawak ang mundo ko. Nandito lang daw kasi ako at wala akong nakikilala na iba, wala akong ibang experience.
" Oh ito, pwede na itong polo na'to. " , I sighed.
Isinuot ko ang pencil cut skirt na black, isang long-sleeve blouse na white, ni-tack in ko pa para naman panalo. " Tangin'ang puson 'to! Bahala na nga!" Inis na inis ako sa mga extra fats ko. Nag ayos na rin ako ng itsura ko, konting make-up, tinali ko ang buhok ko ng maayos, spray spray ng Bvlgari Omnia- Amethyst , at leather shoes na mga 2-inch lang ang takong. Kinuha ko ang Ted Baker ko'ng old rose tote bag at bumaba na sa may living area.
" Ate, hahatid na kita dun, traffic kasi para mabilis ka makarating." , pumayag naman ako sa alok nitong kapatid kong si Pandora.
" Ayyy! Dahan-dahan naman Dora! Nakita mo nang mahirap kasi naka palda ako! ", hinampas ko pa siya sa balikat habang umaangal ako. Kundangan naman kasing nagpahatid pa ako sa gagang ito.
" Andi nga! Andi kasi para susyal, wag Dora! Negra yun, gala pa!" singhal niya pa.
" Oh edi ikaw nga iyon, negneg ka na gala ka kasi ng gala! "
Nakarating naman kami sa tapat ng GSDC Building short for Greyken- Santiago Development Corporation, bumaba na ako kaagad at kinawayan na lang ang sumibat nang si Dora. Inayos ko ang aking sarili at nagtuloy na sa reception ng building. Pinakita ko ang interview letter ko at pinapunta naman ako ni ate receptionist sa 15th floor.
BINABASA MO ANG
I'D STILL SAY YES
Romance***STORY COMPLETED*** Magenta Daanghari, a simple and contented lady, was urged by her parents to challenge herself and try new things. She ended up being in an office, working for a grumpy yet dashing bachelor boss namely Harrold Greyken. Harrold G...