CHAPTER 28
Hanap
Magie POV
Nagbabalat ko ng manggang hilaw para sa Ensalada. May kamatis na rin at sibuyas, pero hindi ko ihahalo ang alamang. Hindi safe sa gaya kong may allergy, sad life. Maglalagay na lang sila ng kaniya-kaniya. Nakapag-ihaw na rin sila Pandora ng bangus at ng liempo. Tapos si Sierra nagp-prito ng talong at lumpiang shanghai. Napagpakasunduan namin na mag picnic doon sa may ilalim ng puno sa bukid ngayong pananghalian. Maganda kasi doon, nakaka-relax. Kaninang umaga lang namin napagmasdan ang paligid ng maliit na farm nila Sierra. Dumating kasi kami kahapon ay halos madalim na.
" Isang malaking kaldero ang sinaing ko Magie bibi… Baka OA sa dami iyon. " , natutuwa naman ako kahit paano nang dumating kami ay nakakangiti na siya. Pero ang payat niya lalo, kaya nga sabi ko dito muna ako para papatabain ko siya.
Totoo iyon, balak ko na samahan siya. Nag-resign na siya sa GSDC at mahigit isang linggo na palang narito kay Papang niya. Kailangan niya ng karamay sa ganitong pagkakataon. Mabigat ang kalooban niya at ayaw ko na maramdaman niya na mag-isa siya. Hindi ko ba alam kung bakit naman mahal na mahal niya ang lalakeng iyon. Paulit-ulit lang naman sila. Gagawa ng kabulastugan ang isa na iyon, aalis si Sierra tapos susuyuin, and then repeat. Kaloka! Walang Fade? Kagabi nga ay iyak siya ng iyak sa akin. Sinasabi niyang lahat ng nangyari. Kailan ba magbabago ang isa na iyon? Para hindi naman na nasasaktan si Sierra.
" Nako hindi, sakto lang iyan. Malalakas kumain iyong mga panget. " , nagkatawanan kami. Nang matapos ay iniayos na namin ang mga pagkain sa lalagyan at basket para sabay-sabay na kaming pupunta sa may bukid.
Nilakad lang namin mula sa bahay patungo sa bukid. Tulong-tulong kami sa mga dalahin. Ang berde-berde ng lugar na ito, parang utak ni Sierra din. Nang makarating ay nag latag na kami ng picnic matt at isinalansan na ang mga pagkain. Naglapag pa si Tuking ng lambanog na dala nila kahapon. Hindi naman ako umiinom, kaya sila-sila lang ang maglalasing.
" Eh nasaan si Papang Nap? " , Tanong ni Paqing.
" Kanina lang nasa may bungad ng kabahayan e. Baka may inasikaso… " , sagot ni Tuking.
" Ay antay natin si Papang , para sabay-sabay na tayo. " , sabi ko na lang. Nakakahiya naman na si Papang pa ni Sierra ang mahuli sa pagkain. Nagkwentuhan na muna kami ni Sierra habang nag-aasaran pa yung tatlo sa kabilang banda.
" Magie bibi, ako ba talaga ang dahilan kaya ka umuwi? " , tinitigan ko naman siya, sabunutan ko kaya ito?
" At ano pa ba sa palagay mo ang dahilan? Iiyak-iyak ka sa akin sa chat na para kang zombie na di maanak! Tapos itatanong mo iyan sa akin?! "
" Baka lang naman kasi may iba pang dahilan…. alam mo na…. mahal mo pa diba? " , ngumiti siya ng nakakaloko, inirapan ko lang naman siya.
" Atupagin natin yang 'Never again' 101th try mong inday ka! " , umingos siya sa akin. " Seryoso, Sierra…. Hanggang kailan? Baka titigan ka lang na naman ng lalake na iyon magmarupok ka na naman…. "
" Hindi na…. totoo, Magie… Hindi ko na kakayanin pa ulit. " , parang naluluha na naman siya. " Tama na siguro iyon. Sapat na ang inialay ko sa kaniya… ako naman. "
" Pag syor oi! Napaka rupok mo pa naman! " , tumawa siya ng kaunti.
" Eh ikaw Magie? Paano kung babalik siya sa'yo at hihingi ng second chance? " ,kinurot niya ako sa braso " For sure marupok ka din!!! "
BINABASA MO ANG
I'D STILL SAY YES
Romance***STORY COMPLETED*** Magenta Daanghari, a simple and contented lady, was urged by her parents to challenge herself and try new things. She ended up being in an office, working for a grumpy yet dashing bachelor boss namely Harrold Greyken. Harrold G...