CHAPTER 34
Philippians
Magie POV
Mugtong-mugto na ang mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Ayaw kumalma ng dibdib ko dahil nag-aalala ako kay Harrold. Wala naman makapagsabi sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi na rin ako nag-abala, kaysa ubusin ko ang panahon at oras sa kakatawag sa kung kani-kanino ay nagpunta na lang ako kaagad ng Davao.
Naramdaman ko ang palad ni Pandora sa aking likuran. Isinama ko ang kapatid ko dahil hindi ko alam kung ano ang magiging kalagayan dito. Nakaupo na kami sa arrival lounge ng airport sa Davao. Kaninang madaling araw kami nag-flight. Natagalan pa nga kami sa Manila. Nakarating kami sa terminal2 ng gabi at nakakapanlumo na ang next flight patungo rito ay sa mag-uumaga na. Walang kaming choice kundi bilhin na ang ticket para doon. Halos mabaliw na ako sa kakaisip. Nag-text ako kay Ran kagabi na umaga ang flight ko. Ang walangya, 'K' lang ang sagot.
" Inom ka na nitong kape ate, tapos kainin mo itong sandwich, bago tayo aalis. " , iniaabot sa akin ni Pandora ang pagkain na binili niya. Kahit wala akong gana ay pinilit kong kumain. Nangalahati lang ako sa sandwich bago ininom ang kape.
" Halika na Pandora, gusto ko na makita si Harrold. " , tumango siya at inalalayan ako patayo. Lumakad kami palabas ng arrival area, nakahawak pa ako sa braso ng kapatid ko dahil nanghihina talaga ako.
" Magie! Magie! "
Nang makalabas sa gate ng airport ay narinig namin ang tumatawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ay si Ran pala, lumakad siya papunta sa amin. May kasama siyang isa pang lalake na pamilyar sa akin. May mga band-aid ang mukha at medyo may pasa. Ang alam ko ay tauhan ito ni Sir Bari.
" Kanina pa ba kayo Magie? Halos kararating lang namin… " , gusto ko nang hunagulgol ng iyak ngayon na malapit si Ran. Gusto ko siyang ibitin ng patiwarik dahil ayaw niya magsabi kung anong nangyayari. " mag thirty minutes na. "
" Mga dalawang oras na rin, pinakain ko pa kasi si Ate. " , si Pandora na ang sumagot. Hindi ako makasalita ng kahit ano. Kanina pa kami nakalapag, pero nag-inarte pa itong kasama ko na magpahinga at kumain sa loob kaya hindi kami kaagad nakalabas. Dapat nga ay magta-taxi kami papunta sa Alondra, hindi ko akalain na susundo si Ran.
" Muntik na namin kayong hindi abutan….. " , tinignan niya ako ng seryoso, " Puntahan na natin si Harrold, Magie. " , bakit ba kasi hindi ang Love ko ang nandito? Ano bang ginagawa niya sa Hospital kasi…… naluha na naman ako. " Magie naman… mamaya ka na umiyak, i-reserve mo ang luha mo mamaya. " , Hindi nakakatulong itong si Ran. Ang sarap niyang sapukin.
Sumakay kami sa isang Van. Si Ran ang nagmamaneho, nakakapagtaka na siya ang naturingan na amo pero hindi itong isa ang driver. Hindi ko na inusisa dahil mas naiisip ko ang Harrold ko. " Ran, ayos lang ba ang Harrold ko, ha? " , Nilingon lamang niya ako at bahagyang yumukod ang ulo. Napaluha na naman ako. Hindi ko yata kakayanin kung may masamang mangyayari sa nobyo ko. Ano ba naman ito….
Pumarada ang van na aming sinasakyan sa tapat ng isang lupain na may nagtataasan na bakod. Sa loob rin ito ng Alondra pero hindi ko pa ito napuntahan. Mas lalo akong kinakabahan, tago kasi ang lupain na ito at walang masyadong bahayan sa paligid. May naisip akong hindi maganda, kaya habang pababa ng sasakyan ay humagulgol akong bigla. Napatingin silang lahat sa akin. Wala akong pakialam ,kailangan kong umiyak kundi sasabog ang dibdib ko. Paano pala kung nailibing na nila dito ang Harrold ko? Dyusko naman!
BINABASA MO ANG
I'D STILL SAY YES
Romance***STORY COMPLETED*** Magenta Daanghari, a simple and contented lady, was urged by her parents to challenge herself and try new things. She ended up being in an office, working for a grumpy yet dashing bachelor boss namely Harrold Greyken. Harrold G...