Sandejas

106 3 0
                                    

CHAPTER 23



Sandejas



Magie POV



Madiin kong pinindot ang 'end call' screen ng aking cellphone. Inis na inis ako kay Harrold, nasa Bukidon na naman siya para sa project doon. Tapos hindi ko pa siya matawagan! Kanina pa ako nagdi-dial dito. Hindi ako natutuwa dahil panay din na naroroon si Lishah. Hindi naman sa nagseselos ako, wala kasi akong tiwala sa babaeng yun. Kahit na nga ba sinasabi ni Harrold na wala akong dapat ikabahala dahil wala siyang balak na gumawa ng kahit na ano na makakasakit sa akin. Nitong mga nakaraan ay napaka-clingy ko na pa naman sa boyfriend ko , dahil hello??? Nakuha na niya ang Vcard, dalawang buwan na din ang nakalipas.



" Excuse me teh, pa-help naman sa ibaba, medyo madami na tayong tome. " , sumilip si Pandora sa pinto ng opisina. Haay, mamaya na lang kami magtutuos ni Harrold. Ayusin niya ang paliwanag niya. 



" Kyong, saan pa ang mesa na kukuhaan ng order? "  , tanong ko sa staff nang makababa ako sa kitchen.



" Sa table 12 memshi! " , agad akong kumuha ng order booklet at ballpen. Tinanaw ko ang table 12 at napansin ko ang tila pamilyar na babae at lalake, ang alam ko ay suki namin sila. Agad akong naglakad papalapit sa table na iyon, ngunit nang ilang hakbang na lamang ako mula roon ay nagulat akong tunay. Nanlaki ang aking mata nang may yumakap sa aking lalake. Sira ulo ba ito?!



Nakita ko namang nanlaki din naman ang mata ng dalawang customer sa table 12. Nagpupumiglas ako mula sa yakap niya nang bulungan niya ako,  " Play along!!! "  , ano? ano bang ginagawa nito. Malaking lalake siya, mahahaba ang galamay, ma-muscle at malakas ,na kahit anong palag ko ay lalo lang siyang nanghuhumigpit. Iniharap pa niya ako sa table na marahil ay mga kakilala niya iyong tome namin. Akala ko tapos na pero niyakap pa niya akong muli mula sa likuran. 



" I didn't know you two are here, Eri… Abe.. ",   kilala nga niya. Pumapalag ako kaya't ang yakap ay nadagdagan… ang baba niya ay inilapat niya pa sa kurba ng aking leeg, naiipit naman ako!



" Ahh… yeah.. yeah suki kasi kami dito. " , yung babae ang nagsalita. Nakatingin siya sa amin pero wari ko ay may kakaiba sa mata niya ,nagbago din kasi ang aura niya.



" Oh..really, tamang tama… Honey, sabay na tayo sa kanila kumain? I think they won't mind. "  , Nakatingin siya sa akin kaya nagtaka ako…. honey? ako ba?



" Anong honey?! Kailan pa naging tayo!? "  , medyo napapalakas na nga ang boses ko. Nakakainis itong gago na to! Pero kung tutuusin ay pamilyar ang mukha niya sa akin.



" What?! U-uhmm… Last week! You're just confused right now Honey. "  ,  mula sa yakap ay gumalaw ang isang kamay niya para hawakan ang sa akin, kamay po iyon opo,  pinisil niya iyon at nang mapatingin ako sa kaniya ay pinanlalakihan niya ako ng mata.  " Lagi mo sinasabi hindi ka ready, Wag ganyan Honey. "



" Kuya…. kasi alam mo…. "  , yung lalake naman ay sasabat sana



" No, Okay lang,  Eri….  ayos lang. "  , nakatitig iyong Eri sa babaeng si Abe. 



" See Honey…. ikaw talaga….  come let's sit with them.. "  , Ayyy kilala ko na ito, si Mr. Sandejas ang gagong ito.



" Kuya, namimilit ka na ba ng babae?! "  sigaw ng kapatid niya nang mapansin na marahas na akong pumapalag sa kuya niyang nakayakap mula sa likuran ko. Pinagtitinginan na nga kami ng mga staff namin, akala yata nila nanlalalake ako. Kilalang-kilala kasi nila kung sino ang boyfriend ko.



I'D STILL SAY YESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon