CHAPTER 6
Lucifer
Magie POV
Limang buwan, oo, limang buwan na ako sa company na ito at sa boss ko'ng si Lucifer este si Sir Luciano. Ako lang at sa isip ko lang siya natatawag na Lucifer. Dahil sa totoo lang, ganun talaga siya. Baka twin brothers sila! Hindi ko din mawari paano ako nakaabot ng ganito katagal dito, isa itong kababalaghan!
Humahangos na lumabas si Ate Elsa mula sa office ni Lucifer, and yes, ate kasi mas matanda siya sa amin ni Sir Lucifer. " Dyosko! Magie nagma-maldito na naman si Luciano! Nasaan na ba kasi iyong report ng Purchasing Team doon sa materials ng project sa Palawan! Ang bagal nila ako tuloy ang nabubugahan!"
Huminga ako ng sobrang OA na lalim at inilagay ang aking mga kamay sa dibdib , " Hayaan mo siyang magalit! May bago pa ba doon?! Tara mag lunch na tayo! Dali! Baka maabutan tayo nun!" Dali-dali kong kinuha ang bag ko na may lamang lunch, akmang tatakbo na kami ni Ate Elsa ng magbukas ang pintuan ng impyerno..... hutang ina!
" Magie, I need coffe." , walang kalambing-lambing sa pag-uutos ang walangya! yun lang ang sinabi at pumasok na siyang muli sa lungga niya. Inis na inis ako.
" Ate Els, mauna ka na sa pantry, dalhin mo na itong baon at mag start na kayo, susunod na lang ako. Igagawa ko lang ng kape si kamahalan." Umalis na si Ate Elsa at ako naman ay pumunta na sa coffee station dito lang sa may gilid malapit sa table ko. Dati naman wala nito, pero nang isang beses na nag leave si Ate Elsa at nanghingi si Sir ng kape ay nagtimpla ako, bago lang naman ako noon at hindi naman nasabi ni ate na kailangan o-order ako sa coffee shop! Nagalit pa ang lolo mo, imbis mag thank you ang sabi pa niya ay , 'You aren't really listening to instructions , are you?', grabe halos maiyak ako sa harapan niya noon, mabuti at nakapag pigil ako. Nag-order ako ng coffee niya tapos nag text pa ako kay Ate Elsa kung anong klase ng kape ba...baka kasi may lason ang mabigay ko. Pero nung dalhin ko naman sa kaniya ang na-order ko na coffee ay pinapa-inom na niya sa akin dahil daw pinagtiisan na niyang inumin ang tinimpla ko. Pero kinabukasan noon ay sa akin na naman siya nanghingi ng kape kahit pumasok na si Ate Elsa. 'Magie, bring me the coffee same as yesterday, the one you made.' , ganyan pa siya kamo! After a week dahil maglalakad pa daw ako each time hihingi siya ng kape ay nagpa-lagay na siya ng coffee station dito sa amin, sa tabi ko mismo! Isang hakbang lang mega timplahan na agad! Hindi vendo mga teh!, mano-mano po! At kung noon morning lang may pa-kape ang presidente, ngayon nakaka tatlo pa yan, di lang yun.... Kapag may bisita siya nang-aalok pa siya! Pero ayos lang kasi dahil dun ay binigyan niya ako ng gift! Isang araw nakita ko na lang sa ibabaw ng table ko ang isang set ng kutsara to kutsarita! Naka-ribbon pa yun ha! Mamahalin yata iyon... ang nakalagay sa gift card pa ay 'More coffee to come'. Nakakakilabot ang sweet ni Lucifer!
" Magie, where's m...." bigla siyang nagsalita, sa gulat ko ay halos mapatalon ako at...
" Ayy Lucifer ka! " , nanlaki naman ang mata ko, ano ba?!
" What?!" naka kunot ang noo niya.
" Ah hehe, wala sir...ano..." iniabot ko sa kaniya ang tasa ng kape niya, " Naiiisip ko lang po kasi si Lucifer Morningstar! Sa Netflix kasi iyon! Cursh ko po." Wheew! Juisko ka Magenta!
Parang kumbinsido naman siya, tumango lang si sir, " Ok take your lunch now, thanks." Medyo itinaas pa niya ang mug na hawak niya para ipaalam na iyon ang ipinagte-thank you niya. Pero poker face siya.
" Okay sir, sige po una na ako." Lumakad na ako ngunit di pa man ako tuluyang nakalalayo ay nagsalita siya ulit,
" That Lucifer, he's not really that handsome. " , pagkatapos ay pumasok na siya sa office niya. Sira ulo! Ginutom na niya ako nilait pa niya si Lucifer! Tse!
BINABASA MO ANG
I'D STILL SAY YES
Romance***STORY COMPLETED*** Magenta Daanghari, a simple and contented lady, was urged by her parents to challenge herself and try new things. She ended up being in an office, working for a grumpy yet dashing bachelor boss namely Harrold Greyken. Harrold G...