Breakeven

97 4 1
                                    

CHAPTER 24


Breakeven



Magie POV



Limang araw na akong nakakulong sa bahay. Wala akong gana. Hindi ko na rin nagagawang pumasok sa trabaho. Kinabukasan simula nang nangyaring iyon sa unit ni Harrold ay kinausap ko ang mommy niya. Tinawagan ko lang siya dahil hindi ko talaga kayang makipagkita, pakiramdam ko ay napakahina ko. Hindi ko na nai-detalye sa kaniya pero alam ko na nauunawaan niya.


Hindi parin kami nagkakausap ni Harrold. Wala siyang tawag, text o kahit na anong paramdam.


Ang huling beses ko siyang nakita ay nang iwanan niya ako na nakalugmok sa bahay niya. Hinang-hina ako noon at di malaman ang gagawin. Kaya matapos ang di ko mawaring oras na pag-iyak ay tinawagan ko si Pandora para sunduin ako at dalhan ng pamalit. Maging si Kuya Edgar ay tinawagan ko para sabihan na kailangang malinisan ang bahay ni Harrold.  Gulat na gulat ang kapatid ko nang makita ako, pero hindi niya ako pinilit na magkuwento. Hanggang ngayon nga ay hindi pa alam ni Sierra, walang sino man sa trabaho ko ang nakakaalam, maliban sa amin ni Harrold. Ang mama ko ay madalas tumawag dahil nag-aalala, pero ang sinabi ko na lang na dahilan ay anemic ako kaya nahihirapang pumasok, sinabi niya na kumain daw ako ng atay at ampalaya.


Naikwento sa akin ni Pandora na ang sabi ng isang staff namin ay naroon daw si Harrold nang niyayakap ako ng damuhong si Mr.Sandejas. Marahil ay inisip ng nobyo ko na may namamagitan sa amin ng lalakeng iyon. Ang nakakalungkot na parte ay iyong bigla na lang siyang nagalit nang hindi nalalaman ang totoo. Alam kong seloso siya, napaka kamo. Akala naman niya kagandahan ang girlfriend niya. Ang totoo, hindi ako galit kay Harrold, pero nagtatampo ako, At ang gusto ko lang ay kausapin niya ako. Hindi ko naman siya matawagan o kung ano man, kasi nga nagtatampo ako at nakataas ang signal level number two ng pride ko.


Tumayo ako at naligo, iniayos ko ang aking sarili. Pakiramdam ko kasi ay napaka-panget ko na, wala na akong glow. Nag-bestida pa ako at naglagay ng liptint. Naluluha ako habang nakatingin sa aking sarili sa salamin. Hindi dahil sa ang panget ko, kundi dahil nasasaktan ako. Si Harrold naman kasi, nami-miss ko na siya, sana mag-usap na kami. Nang maka-kalma ay bumaba ako sa kusina, gusto ko sanang kumain kahit na hindi ko feel. Medyo nabawasan nga ako ng timbang, nitong mga nakaraang araw ay hindi ako nagkakakain. Noon gusto ko ang pumayat kahit kaunti ,pero hindi sa ganitong paraan.


" Ate Len, anong luto mo? " , nadatnan  ko ang aming kasambahay na iniiaayos ang hapag.



" Ayy…. Ginoo ko! Bumaba din ang dalaga ko. Ali! mangaon ta! Tortang talong, madami giniling! "


Umupo ako sa hapag at inasikaso ako ni Ate Helen. Kung sa karaniwang araw at wala akong dinaramdam malamang na nakarami na ako ng kain ,pero ngayon halos pinipilit ko na lang ang bawat subo. Marahil napansin ni Ate Helen kaya sinita niya ako.


" Dili lami ang talong bebe? " ,  nginitian ko siya ng tipid,  " Break na ba kayo ni guwapo? "  , nabigla ako sa sinabi niya, nabitin ang sana'y pagsubo ko. Bigla ay napaisip ako, break?


" H-hindi k-ko alam ate " , pakiwari ko ay may nakabikig sa aking lalamunan. Ang hirap huminga.



" Aguy, sorry bebe. Na-pisting bibig kasi ito! "  ,  tinapik niya ang kamay ko,hinawakan iyon at marahang pinisil,  " LQ nasad? Araguy… bebe wag ka mag-aalala maayos iyan "


Sa sinabi niyang iyon ay sunod-sunod na pumatak aking mga luha. Hindi ko na napigilan, humahagulgol ako sa harap ng kainan. Kung narito ang mama kagagalitan ako nun, bawal ito sa hapag. Hindi na ako makasalita sa kakaiyak. Tumayo na si Ate Helen para haplos-haplosin ang aking likod.



I'D STILL SAY YESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon