CHAPTER 29
Maligalig
Magie POV
Habang nakaupo sa picnic matt at kumakain ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nagbalik ako sa high school at kasabay ko sa cafeteria ang crush ko. Kung bakit ba naman naisipan pa ni Harrold na sa tabi ko umupo. Hindi naman sa ayaw ko, kaya lang marupok kasi ako. Lalo na pagdating sa kaniya. Ngayon ko mas napatunayan na nagkalayo lamang kami pero mahal ko parin siya talaga. Nakita ko lang siya para na namang naka-energy drink ang puso ko.
" Ate makikiabot po ng lumpia! " , Tinignan ko si Pandora at iningunguso pa niya ang pinggan na may lamang shanghai. Akmang aabutin ko iyon nang unahan ako ni Harrold. Medyo malayo sa akin at mas malapit kasi sa kaniya. Iniabot niya yun sa akin, nanginginig pa ang kamay niya. Nagtama ang aming paningin ngunit kaagad akong nag-iwas. Hinawakan ko ang lalagyan ng lumpia ,pero nakakatawa kasi nanginginig din ang aking mga kamay. " Juisko mag-aabutan lang ang tagal ha! " singhal na ng kapatid ko. Iniabot ko sa kaniya iyon at sinamaan siya ng tingin. Parang timang itong kapatid ko.
Napalingon ako sa plato niya at nakita ko'ng nahihirapan naman itong katabi ko sa pagkain ng isda ,marami pa naman tinik ang bangus, hindi ko ba alam pero kumuha ako ng isda ,hinimay at inilagay sa mismong pinggan niya. Mukhang pareho kaming nabigla, nagkatinginan kami, at gaya ng kanina ay nauna akong magbawi. Ano ba iyan… nakakahiya. Marahil kasi ay nakasanayan ko na itong ginagawa sa tuwing kasama siya. Hindi ko nga alam kung pumunta ba siya rito para sa akin o kinaladkad lang siya ni Sir Ran.
" Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig " , narinig ko naman si Tuking na kumanta. Hmmmp… sa amin ba siya nagpaparinig? Nagtawanan naman si Pandora at si Paqing pati na si Kuya Edgar. Si Sierra at Si Sir Ran tahimik lang. Syempre si Papang walang clue, iniisip kong kung malalaman niya ang ganap sa anak niya at sa bisita na ito, baka mahabol niya ito ng itak imbis na pinapakain ngayon.
Matapos ang kainan ay nagtulong-tulong kami na magligpit. Iniimis ko ang mga lalagyan at mga pinagkainan nang lapitan ako ni Harrold para tulungan.
" Magie let me help you. " , lalo namang naligalig ang pagkatao ko.
" Ahh a-ano, okay lang. Sama ka na lang doon sa kanila, pahinga ka lang. " , nginitian ko siya pero hindi naman siya nagpapigil. Tinulungan parin ako.
" Ayy grabe, parang bagay kayong dalawa! " , Narinig ko si Kuya Edgar na nang-iinis na naman. Mukhang number one shipper na namin siya. Nang mailagay namin ang mga gamit sa bag at nagpasyang lalakad na pabalik sa bahay, nilapitan naman ako muli ni Harrold at kinausap.
" Ah-m Magie, can we talk? Uhh…. Y-yung tayo lang dalawa. " , Tumingin ako sa kaniyang mga mata at tila gusto ko iyong pagsisihan dahil sa para ba akong nahipnotismo. Hindi ko parin kayang labanan ang kaniyang mga tingin…
" Ay… tara! Tara kayo mga guys! Iwan natin sila…. nako dali! Prenup! " , ano bang pinagsasabi ng driver ni Harrold?!
Gayunpaman ay mukhang nakahalata ang aming mga kasama at nagsi-alisan nang unti-unti. Namalayan ko na lamang na kaming dalawa na lang ang nasa may ilalim ng puno sa bukid. Huminga ako ng malalim at niyaya siya na maupo sa maliit na papag roon. Inalalayan pa nga niya akong umupo. Nagdikit ang aming nga balat at kamuntik na akong magliyab. Ang rupok!!!
" Ah-m Anong pag-uusapan natin? M-may maitutulong ba tayo kay Ran at Sierra? " , napatingin naman siya sa akin na tila nagtataka. May nasabi ba akong mali?
BINABASA MO ANG
I'D STILL SAY YES
Romance***STORY COMPLETED*** Magenta Daanghari, a simple and contented lady, was urged by her parents to challenge herself and try new things. She ended up being in an office, working for a grumpy yet dashing bachelor boss namely Harrold Greyken. Harrold G...