Too much?

101 5 1
                                    

CHAPTER 21


Too much?


Magie POV



" Magie bibi ano mamaya ha? Advance birthday pa-party ko iyon…. bawal kang hindi pupunta! "  ,  Umagang-umaga ay namimilit itong si Sierra na sumama ako sa Girls Night Out daw bukas. Kami-kami lang naman na mga EA at iyong ibang kakilala namin sa Accounting Dept. ang kasama.



" Magpapaalam muna ako kay Harrold. "  , nag make face siya.



" Magenta naman, ang alam ko mga lalake ang andres de saya, bakit sumali ka? "  ,  I rolled my eyes.


" Ganoon lang kasi ako, Obedient! "  , Ayaw ko din kasi kapag umiinit ang ulo nung jowa ko.



" Sus! Iyan ang hirap sa inyo…. jowa, jowa… daming bawal!!! "  , nagpapatawa yata siya pero ang itsura niya iba, huminga pa siya ng malalim.



" Sige na… mamaya na lang gerl, pasok na ako nandoon na si Sir Harrold. "  , tumango na lamang siya at naglakad na ako papasok sa office of the President. Nang makarating ako roon ay nakita ko nang nakaupo ang nobyo ko sa mismong upuan ko. Nag-angat siya ng tingin kaya't nginitian ko siya, ngunit ikina-taka ko ay ang pag kunot ng noo niya.


" Hi Babe, Good morning. "  Bati ko, lumapit ako at umakbay sa kaniya, pinatakan ko na rin ng magaan na halik ang pisngi. Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang tagiliran.



" Why are you wearing these kind of clothes babe? "  , tinitigan ko siya ,nagtatanong ang aking mga mata,  " I mean it's beautiful, you are sexy… but,  this is a skirt plus it shows your curves too much. "


Napakunot ang noo ko,  " Babe, nags-skirt naman ako noon…. minsan…. "


Piningot niya ang aking ilong,  " Noon yun, wala ka pang Babe nun. "  , nag-smile siya at tumayo na bago ako halikan sa noo.  " Let's have coffee c'mon " , ngumiti na lamang ako sa kaniya. Hindi na ako makikipagtalo pa.



Hinintay niya akong makatapos ng timpla ng kape at pumasok na kami sa opisina. Simula nang maging kami ay gusto niya na sabay kami kumakain ng breakfast, minsan pati narin sa lunch kung wala siyang schedule sa labas. Kaya't minsan ko na lang makasabay kumain ang mga taranta-da. Ang pag-pasok ko at pag-uwi, kung hindi siya ang kasama ay mino-monitor niya ako. Masyadong clingy itong boyfriend ko, akala naman niya may aagaw sa akin.


Habang nag-aalmusal ay humanap ako ng tiyempo upang makapagpaalam. Gusto ko sanang sumama sa ladies night bukas.  " Babe, magpapaalam sana ako…"  , nangunot na naman ng bongga ang noo niya.


" What for?" ,  tinitigan niya ako na para bang may nagawa akong hindi mainam.


" Uhmmm...ano kasi, may lakad kaming mga EA tska ibang mga girls sa Accounting"  hindi ako mapakali,   " Bukas ng gabi… after work, magba-bar daw kami…. Puro girls lang kami. " pinatamis ko ng super duper ang ngiti ko.



Tumawa siya ng mahina pero mukhang di siya natutuwa,  " Babe, that's a bar. Yes, you are all ladies going out, but in the bar there's so many hungry wolves."  ,  nag paawa face pa ako   " NO. Let's just have dinner somewhere. Where would you want to go? "


Hindi ako kumukurap, nagmamakaawa parin ang aking mukha.  " Babe….. "



" It's final, Magie, No. It's not safe. "  , yun lang at nanahimik na siya. Alam ko na ito, hindi na ako talaga mananalo. Haays, bibilhan ko na lang ng regalo na waging-wagi si Sierra.


I'D STILL SAY YESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon