CHAPTER 16
Gift Giving
Magie POV
Lima………., limang hakbang na lamang ang pagitan ko mula sa aking table dito sa office. Nakatingin ako sa mamang naglalapag ng regalo sa ibabaw nito. Hindi ko akalain na ngayong araw ko na siya mahuhuli. Sa loob ng halos isang linggo ay araw-araw siyang panay may ibinibigay sa akin. Una nga ay ang trinity bracelet, nang sumunod na araw, bouquet ng pink roses na iniwan ulit sa lobby. The third day ay lumipat na siya ng drop area, dito ko na sa ibabaw ng table ko natagpuan ang box ng cronuts with large winter melon tea. Kahapon ay graze box at may kasamang isang maliit na gift box na ang laman ay dalawang cystal-like comb na may gem stones. Tuwang-tuwa nga ang mga ka-trabaho ko. Magsusulat daw sila ng request kay Mr.Ri at ididikit sa lobby. Tinawag nilang Mr.Ri dahil daw siya ay mystery.
" HOY! " , sigaw ko na halos mapatalon naman siya sa gulat.
" Ay lintik! " , nilapitan ko siya at hinamaps ng malakas sa braso.
" Kuya Edgar!? , nililigawan mo ako??? " , hindi ko alam pero nanghihina ako. Hindi ko maunawaan anong mararamdaman ko.
" HINDI AH! " , akala mo pinagbintangan siya nang kung ano kung makapag-react!
" Ay wow! Choosy ka?! " , naiirita ako. Itinuro niya sa akin ang nasa ibabaw ng mesa. Chanel gift box iyon at isang jar ng Hershey's S'mores.
" Hindi ako makakabili ng mga ganyan Magie Savor! Tska di kita type!!! " , aba't talagang….
" Hiyang-hiya naman ako sa kaguwapuhan mo! " , hinampas ko siya ng bag ko. " Wag kang kakain ng baon ko mamaya!!! "
" Sows! Pasalamat ka nga… yang mga regalo ng bossing ko sa'yo ang aga-aga kong pini-pick up! Tapos ide-deliver ko pa sa iyo! Kailangan pa raw maunahan ko lahat ng tao dito sa floor! hayp! "
" Pwede naman kasi sa hapon! Ungas kamo siya! " , galit-galitan lang ako pero deep inside kilig to da max na.
Umismid pa si Kuya sa akin, " Ewan ko sa inyong dalawa! Diyan ka na nga! " , ilang hakbang niya pa ay muli siyang bumaling sa akin, " Pero pengeng baon mo ha?! Hehe " , grabe ang fes! Tinalikuran ko na lang siya at hinarap ang mga regalo ko. Pagkaupo ko naman ay ang siyang pag tunog ng aking cellphone, may one message..
Fr: Kuya Edgar Mamaw
' Wag mo sasabihin kay boss o kahit kanino na alam mo nang sa kaniya galing lahat '
To: Kuya Edgar Mamaw
' Panget kayo '
Naiinis naman ako. Ano bang trip nitong si Sir Harrold?! Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaasar sa ginagawa niya. Maya-maya pa ay dumating na si Ate Elsa, at tignan mo nga naman...nasa likod niya si Mr.Ri.
" Wow! Yan ang bigay ngayon ni Mr.Ri??! " , bati ng partner ko nang makita niya ang gifts sa table ko. Napansin ko namang napatingin si sir, nagtama ang aming mga mata….siguro nailang siya kaya inutusan ako bigla magtimpla ng kape.
" Magie , my coffee please " , tumango ako at tumayo na para magtimpla, pero bago pa man tuluyang makapasok sa office at maisara ang pinto ni Sir Harrold ay bumanat si Ate Elsa…
" Ang damot ng manliligaw mo today ha! Pang isang tao lang ang food! " , natawa naman ako, nag expect na kasi silang may pa foods si Mr.Ri.
BINABASA MO ANG
I'D STILL SAY YES
Romance***STORY COMPLETED*** Magenta Daanghari, a simple and contented lady, was urged by her parents to challenge herself and try new things. She ended up being in an office, working for a grumpy yet dashing bachelor boss namely Harrold Greyken. Harrold G...