CHAPTER 31
Ferris Wheel
Magie POV
Katatapos ko lang maligo dahil nag-ayos ako ng aking kuwarto. Nakauwi na ako kahapon dito sa bahay namin sa Metro. Sapilitang pinauwi na kasi ako ni Sierra. Hindi naman daw ako nararapat na mag-ubos ng oras ko roon kasama siya. May sarili naman nga daw akong buhay. Ayaw ko nga sana, baka kasi bigla ay kung ano-ano na naman ang maisip niya, pero ni-assure niya naman na sa akin na okay siya.
Inayos ko ang aking sarili at nagpasya nang bumaba. Ang sabi ni Pandora ay sila na ni Ate Helen ang bahalang magluto ng pananghalian. Hindi ko na kasi naasikaso dahil marami akong gamit na dala mula sa sa Emirates, inisa-isa ko pa nga kasi baka may pasalubong akong nakaligtaang ibigay.
" Oh akala ko magluluto kayo?! " , takang-taka naman ako na nakataas pa ang paa ni Pandora sa center table habang naka upo sa couch at nanonood ng TV. " Grabe hindi manlang tinulungan si Ate Helen! " , Hindi naman niya ako pinansin, bagkos ay inimuwestra lang ang kaniyang kamay na tila langaw akong pinaaalis. Nag-diretso ako sa dining area at doon ko nadatnan si Ate Helen na nag-aayos na ng hapag. Sumilip ako sa kitchen dahil baka may maitutulong pa ako pero ikinabigla ko ang aking nakita. May mamang nagluluto, este yummy na papi na naka-apron at para bang nakikipaglaban sa mantikang tumatalsik.
" Huy ,Harrold! Anong ginagawa mo?! " , hininaan naman niya ang apoy ng niluluto at nilapitan ako. Infer naman, ang guwapo niya sa apron na suot, tapos naka pambahay lang siya. Kahit sa pambahay na damit nakakalaway siya. Hihi.
" Love, I'm frying chickens " , Oo, simula noong araw na iyon kela Sierra ay nasanay na siya na Love ang tawag sa akin. Hindi na daw babe kasi pang starter daw iyon, kapag hardcore daw Love. Kung ano-anong alam nito, pero kilig na kilig ako.
" Eh bakit ikaw ang gumagawa niyan!? Ano ka ba, iyang si Pandora dapat ang magluto e! " , Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo. Hanggang sa noo pa lang muna siya mga bes.
" I actually cooked at home, my mom even helped me. We prepared carbonara and pork menudo, we made fruit salad din nilagay ko sa ref, Love. " , Wow, may pa ganun? Ang sweet naman… emegesh.
" Ay eh bakit? matagal pa birthday mo ha. " , kinukuha ko sa kaniya iyong thongs para ako na ang magbabaliktad ng piniprito pero ayaw naman niyang ibigay. Nagkibit-balikat lang naman siya.
" I just thought you miss birthday foods, di ba gusto mo iyong mga yun? " napatitig ako sa kaniya. " I marinate these chickens, but If I cook it at home, baka hindi ko kayo maabutan ,makakain ka na, so I decided to cook it here. " Hmmmm…. nakakatuwa naman. Ang hair ko mga inday baka matapakan ninyo. Hawi-hawi kayo riyan!
" Nag-abala ka pa. " , syempre nagpapabebe muna ako.
" Anything for you, Love. " , he smiled, " Sige na sit on the dining na, check mo iyong cupcakes na dala ko, customized iyon, Disney Princess theme. " , nanlaki ang mata ko, grabe ang saya nun!!!
" Ayy sige! Thanks Love! " , humalik pa ako sa pisngi niya. Napatulala naman siya. Na-carried away ako mga sist!
" You actually called me Love….. " , he's looking at me with so much affection.
" Ah hehe… ummmm… Sige check ko na iyong cupcakes. " , Ba't di pa sagotin ghorl?
Para akong gaga na naglakad palabas ng kusina, papunta sa dining area. Napamulagat ako sa nakita sa hapag. May mga food container nga na may carbonara, menudo, may rice, tapos may lumpiang shanghai din, order iyon kasi may pangalan ang lalagyan. Kasama noon ang pichi-pichi. Mas lumigaya ako sa three boxes of cupcakes na may Disney pricess toppers! Happy Birthday!!!
BINABASA MO ANG
I'D STILL SAY YES
Romance***STORY COMPLETED*** Magenta Daanghari, a simple and contented lady, was urged by her parents to challenge herself and try new things. She ended up being in an office, working for a grumpy yet dashing bachelor boss namely Harrold Greyken. Harrold G...