Kamusta ka Self?

112 3 0
                                    

CHAPTER 25


Kamusta ka Self?



Magie POV



" As-salamu alaykum " , bati sa akin ni Fesmina. Pauwi na ako mula sa bakeshop na pinapasukan ko. Tapos na ang shift ko at kadarating lang ng kapalitan ko. Bagong bukas ito at si Auntie Maitha, kapatid ni Baba ang may-ari. Baking Assistant ako, nag-aral ako ng short-course Baking at nae-enjoy ko ang trabaho. Sampung buwan na ang nakalipas mula ng dumating ako rito sa Emirates.



" Wa ʿalaykumu s-salam habibti " , bati ko pabalik sa kaniya. Kinuha ko nang lahat ng gamit ko sa locker at lumabas, alas dos pa lang ng hapon at iniisip ko kung saan ako mag gagala. Ayaw naman kasi ni Auntie na mag full time ako sa work, kailangan ko daw mag-enjoy. Siguro ay dadaanan ko na lang si Peomela sa University at yayayain siyang kumain sa Marina.



Nang makarating sa Womens University ay naghihintay na ang kapatid ko sa labas. Natawagan ko na siya at alam na niyang daratating ako.



" Libre mo'ko?! "  , umangkla pa ang mga kamay niya sa kanan kong braso.  Pinandilatan ko naman siya ng mata.



" Kailan ba nangyari na ikaw ang nanlibre?! "  , sus… sa aming tatlo ako lang naman ang hindi kuripot.



" Ikaw kaya may trabaho! Student ako ate! "  Tss. ,  " Tapos titingin ako ng bag ha "



" Oo na… Tapos sa akin mo pa papabayaran ang bag na gusto mo….aba naman Pompoms! "  , winagwag ko ang kamay niya sa aking braso,  "bakit ba kita isinama pa?!!!"



" Wehehe, Lavyooo sist! " ,  Wala din naman ako choice ,haay.



Pagdating namin sa Marina ay nagkasundo kami na sa isang Thai restaurant kumain. Enjoy naman kami, lalo na at na-miss ko na din ang pad thai at chicken satay. Ang dessert nga ay sweet sticky rice with mango. Madalas kaming mag food trip na magkapatid. Nakakatuwaan din namin na mag try ng iba't-ibang cuisine. Kung hindi food trip ay sports kuno at shopping ang inaatupag naming dalawa. Siya muna kasi ang buddy-buddy ko dahil naiwan si Pandora sa Pinas. Nagpapasalamat nga ako sa kaniya dahil nauunawaan niya ko. Sinabi ko naman na babalik ako kapag kaya ko na. Panatag naman ako kahit siya lang ang naroon dahil hindi siya iniiwan ni Paqing at Tuking, naroon din ang Ate Helen.



" Ate daan tayo sa Cartier ha, betchikels ko mag sight ng earrings! " , sabay subo niya ng chocolate truffles, na ipinabili na naman niya sa akin sa nadaanan na sweet shop habang naglilibot.



" Hoy! baka sa akin mo pa ipabili yun ha! " , Tumawa lang siya at mas lalo akong nagsisi na isinama ko itong bruhang ito.



Pumasok kami sa isang Cartier shop at nagsimula nang magtingin-tingin ng jewelries ang monster na nangangain ng mga sinasahod ko. Lumibot na rin ako sa loob ng tindahan, sa aking pagmamasid ay namataan ko ang isang pulseras na katulad ng ibinigay sa akin ng isang napaka-espesyal na tao. Bigla ay nagbalik sa akin ang mga memories naming dalawa. Saglit lang kaming magkasama pero ang pakiwari ko ay dekada na halos iyon. Tipid akong napangiti. Mahal ko parin siya. Nagawa kong magdamdam dahil iniwan niya ako, ngunit hindi ako nagagalit sa kaniya. Siguro ay alam ko kasi na nagmahal ako ng tao, at hindi siya perpekto. Nagkulang man siya o sumobra, alam kong sa aking parte ay maaring may ganoon din.



Nanghihinayang ako na hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na kausapin siya. Na mag-welga sa labas ng opisina niya kahit na nga ako lang mag-isa. Tapos ipapaglaban ko ang karapatang pang-jowa ko. Hindi ko na rin kasi nagawa iyon, sa sobrang lungkot ko ay sinabi ni Pandora kay Mama at sinundo nila ako ni Baba, kaya nga ako napunta sa bansa na ito. Nahirapan akong maka-get over, nag mukmok ako, walang saysay ang palaging pagbibigay ng atensyon sa akin ng aking pamilya. Pero isang araw ay kinausap ako ni Mama..



I'D STILL SAY YESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon