Do you believe in DESTINY?
Ako kasi hindi until may magsabi sa akin na baka yun daw kasi yung destiny namin, ang magkakilala ngayong college at magkainlove-an. Kaso paano mo nga ba masasabi na siya na ang nakatadhana para sa iyo? May makikita ka bang hearts at glitters around that person gaya nung sa mga animated love movies? O wala lang, sa umpisa parang wala pero kapag nawala na sa iyo tsaka mo lang malalaman na 'ay. siya na pala yung gusto kong makasama habambuhay. bakit ko pinakawalan?'
Destiny. Twists. Turns. Fate.
Yang mga salitang yan ay madalas pwede mong ipagconnect connect. Halimbawa :
"Maraming TWISTS AND TURNS of fate ang pwedeng mangyari bago mo malaman ang tunay na itinadhana para sa iyo."
Ano man ang mabuo mong konsepto sa apat na salitang yan depende pa rin sa iyo kung paano mo patatakbuhin ang buhay mo. Dapat lang na maging handa ka sa lahat ng maaring mangyari at maaring kalabasan ng bawat desisyon na iyong sasabihin at bawat kilos na iyong ipapakita.
TANDAAN : Mapaglaro ang tadhana. Minsan kung kailan nasa iyo na, babawiin ulit. Kung kailan masaya ka na, bukas makalawa malungkot na ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/3068657-288-k965153.jpg)
BINABASA MO ANG
Twists and Turns
Teen FictionMinsan sa buhay natin may dumadating at may umaalis. Minsan nagkakataong kapag may dumating, may kailangang umalis. So ano? Ready ka na ba sa muling pagbabalik? At masasabi mong ready ka nang harapin ang totoong TWISTS AND TURNS of fate mo?