♡Chapter III♡

2.8K 158 24
                                    


     Sakay ng kanyang company car na Audi ay linakbay ni Winchester at Lena ang daan patungo sa Post Office na pinanggalingan ng mga sulat ng DLM Tower. Hindi niya pa rin mapigilang makaramdam ng pag-asa na mayroong lihim na tumutulong sa kanya sa kaso ng hindi maipaliwanag na pagpanaw ng kanyang ina.

   "Sir-- Hindi naman sa nanghihimasok ako, pero baka siya pala ay ginagamit ng totoong pumatay kay Ma'am Athena para madivert dito ang attention mo? Kasi kadalasan sa mga pinapanood kong crime series, gagamit ng ibang tao ang totoong suspect para mapagtakpan ang kanyang kasalanan."

    "Lena.. That's not how criminals work. They bury the crime that they made so no one will find it out. Kung kasabwat siya ng totoong pumatay kay Mommy, then the more na dapat ko siyang makilala. I need to have my hold on his neck. Doon ko lang masisiguro ang lahat. Sa ngayon, wala akong magagawa kundi umasa na makikilala ko ang taong ito."

    Hindi na muling nagsalita ang sekretarya at sa halip ay tinawagan ang post office upang ipaalam na darating ang kanyang amo at nais makausap ang head nito.

    Habang nasa daan sila ay may napansin si Winchester. May isang officer ng HPG ang kausap ang isang lalaki na nakamotor at kita niya kung paano nito dinuduro ang lalaki. Nang masilayan niya ang mukha nito ay hindi siya nagkamali na makilala ito.

    "Jerome.. Itabi mo muna ang sasakyan." utos ni Winchester sa kanyang driver at agad na bumaba ng kotse na pinagtaka naman ng dalawang naiwan sa loob.

   Tinakbo ni Winchester ang kinaroroonan ng HPG officer at ng binatang tumulong sa kanya noong isang araw. Kahit pa maraming sasakyan ang muntikan na siyang banggain at binubusinahan na siya. Humihingi naman siya ng pasensiya sa mga ito.

    "Sir--- Wala po akong nilabag na batas trapiko. May lisensiya po ako at bagong rehistro po ang motor ko. May suot akong helmet at humihinto ako sa tamang oras. Ganito ba talaga kayo kadesperado na may mahuli? Bakit ang mga tulad kong maliliit na tao ang pinagdidiskitahan ninyo?"

    "Aba't ang lakas din ng loob mong sagutin ako ah? Bakit? Ikaw na ba ang nagpapasunod sa batas trapiko ng bansa? Sino ka ba? Anak ka ba ng presidente ng Pilipinas? Huh! Akin na ang lesinsiya mo kung ayaw kitang dalhin ngayon sa presinto at sa kulungan ka na magpapaliwanag."

   Naabutan ni Win ang sitwasyon kaya naman hindi na niya napigilan na gumawa ng paraan para matulungan ang lalaking tumulong din sa kanya.

    "Hindi ko iaabot sa'yo ang lisensiya ko dahil wala akong linabag na batas."

     Tatawag na sana sa radio niya ang HPG Officer nang harapin siya ni Win. Hindi agad ito nakakilos at nagulat naman ang lalaking nasasangkot sa gulo.

    Hindi niya akalain na makikita niyang muli sa ganitong pagkakataon ang lalaking isinakay niya sa kanyang motor noong isang araw. Ang lalaking hindi niya mawala sa isipan niya.

    "An HPG Officer accussing someone of traffic violations without solid proof. Hindi ba't ikaw ang mas mahihirapan kapag ireport ko sa superior mo ang ginagawa mong anumalya? Hihingan mo siya ng mas malaking multa? You will threaten to take his license away if he retaliates? Ganyang ba talaga kabulok ang sistema ng batas sa bansa natin?"

    Nalukot ang noo ng HPG Officer at hindi niya napigilang harapin si Winchester dahil sa mga sinabi nitong kinapanting ng kanyang tenga.

    "Huh.. Sino ka ba? May ginawang paglabag ang taong ito kaya ko siya binibigyan ng warning. Ginagawa ko lang ang trabaho ko."

    Inabot ni Winchester sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at may kinontact na numero. Nang masagot na ng kabilang linya ang kanyang tawag ay agad siyang nagsalita.

The Heir (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon