♧Chapter V♧

2.4K 157 19
                                    


   Rodriguez Compound

    Napansin ni Pipo ang kanina pang nakangiting si Luke habang nagbabasa ito ng libro ngunit alam niyang wala naman doon ang atensiyon nito.

    "Luke? Naengkanto ka ba? Bakit ka ngumingiti diyan eh Constitutional Law 'yang binabasa mo?"

   Napabaling ng tingin si Luke sa kanyang kaibigan at matagal na rin na kasama sa boarding house na iyon.

    "Wala.. May magandang nangyari lang kaninang umaga. Tsaka nalaman ko na ang pangalan niya."

    Biglang umandar ang pagkamausisa ni Pipo at nilapitan sa kama nito ang kaibigan.

    "Kaya naman pala.. Ano 'yan? Parang ngayon ko lang ata narinig ang mga bagay na 'yan mula sa dakilang isnabero sa buong mundo? May nakabihag na finally sa puso mong sobrang pihikan?"

    Tumango lang si Luke at hindi na nagpapigil si Pipo na kutyain ang kaibigan.

     "Eh dapat pala magpapansit tayo ngayon.. Magpa-isang case tayo para sa tropa.. Its a call for celebration!"

     Kinutungan ni Luke ang ulo ni Pipo at tumawa lang dito. Hindi talaga siya kailanman titigilan ng kaibigan niya.

     "Kakakilala ko lang sa tao.. Tsaka baka hindi din niya ako magustuhan kasi masiyadong malayo ang agwat ng mga buhay namin. Suntok sa buwan."

   "Luke? Kahit pa suntok sa Jupiter 'yan.. If its meant to be, it will be! Parang duda ka ata sa kakayanan mong paibigin ang isang tao? Tuturuan kita manligaw! Kung hindi pa sapat.. Ako na mismo manliligaw para sa'yo?!"

   Natawa nalang si Luke sa pinagsasabi ng kanyang kaibigan. Alam nito kung ano ang pinagdaanan niya sa buhay kaya komportable na itong asarin siya at bigyan ng dahilan para tumawa.

    "Pero pare.. Ito seryoso ah? Kapag nagmahal ka ng isang tao, mahirap tanggihan 'yan. Lalo na kung pakiramdam mo siya na talaga. Gagawin mo talaga lahat mapasayo lang ang taong 'yun."

   "Sana nga ganun lang kadali 'yun, Pipo. Isang malaking tao ang piniling gustuhin nito.." sabay hawak sa kaliwang dibdib niya.

    Napatango nalang si Pipo sa sagot ng kanyang kaibigan. Kailangan nito ng motivation.

     "Eh di mas dapat lalo kang magpapansin at mag effort. Para tuluyan ka niyang mapansin at mapasagot mo. Ganun lang 'yun."

    "Alam mo.. Maniniwala na talaga ako sa'yo na naka trentang girlfriend ka na. Sa dami mong alam tungkol sa pag-ibig. Eh wala naman akong nakilalang maski isa na naging syota mo?"

     Napailing nalang si Pipo sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang maski siya ay hindi pa talaga naranasan ang totoong relasyon.

     "Pre naman.. Walang ganyanan. Alam mo naman nilalaan ko ang sarili ko para sa "the one".

     Natawa nalang si Luke sabay balik sa kanyang pagbabasa. Ang tanging nasa isip niya lang sa mga sandaling iyon ay ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Winchester Del Mundo.

    "Sana naman kahit kunti lang ay may pag-asa akong makilala ka, Winchester Del Mundo."

   ---------------------------------------------------------------------

    DLM Tower

    
    Nakaupo si Winchester sa kanyang couch sa loob ng opisina niya at hinihintay ang pagdating ng kanyang bisita. Pumasok si Lena at kasama na nito ang kanina pa niyang hinihintay.

The Heir (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon